Kabanata 5

106 3 1
                                    

"THE patient's vitals are all stable, don't worry, Mr. Zco. Her attack was caused by too much stress and fatigue. I suggest na ilayo niyo muna siya sa lahat ng bagay na posibleng magbibigay sa kanya ng overwhelming stress. And she needs to rest and eat healthy foods." I was finally able to breathe in relief after hearing the doctor's reassuring words.

Binalingan ko si Samuelle na wala paring malay hanggang ngayon. Yumukod ako at mariing hinalikan sa noo ang asawa. I was so scared earlier, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali mang mawawala si Samuelle sa'kin.

"Kuya . . ." umigting ang bagang ko at agad na sumibol ang galit sa puso nang marinig ko ang boses ng kapatid. Bahagya ko munang inayos ang kumot ng asawa ko bago madilim ang tingin na binalingan si Claire.

"Masaya ka na?" pasumbat kong tanong sa kanya.

"Kuya . . ." naluluhang tawag ni Claire pero mariing titig lamang ang naging sagot ko sa kanya. Tuluyang tumulo ang luha niya nang iiwas ko ang sarili nang akma niya akong hawakan.

Claire grew up as a kuya's girl. Masyado kasing abala sa negosyo ang mga magulang namin kaya't hindi kami masiyadong naaasikaso ng mga ito. Tanging ako at mga katulong lang sa bahay ang kasama niyang lumaki.

"Claire, umalis ka muna. Please lang . . . ayaw ko munang makita ka," pakiusap ko sa kanya sa malamig na tono. Tumitig muna siya sa'kin ng ilang sandali bago ito tumuloy papalabas ng hospital room ng asawa ko.

Pagkalabas ng kapatid ko ay agad akong napahinga ng malalim.

I don't like treating my sister this way. But she got to learn.

No, she needs to learn. And if this is the only way to teach her a lesson, then so be it.

I was still in deep thought nang marinig ko ang marahang pagkatok mula sa pintuan ng kwarto, when it opened, it revealed a woman dressed in a red dress. She quickly entered the room and approached the bed upon seeing my wife.

"How is she?" Cynthia asked worriedly as she stared at Samuelle's face.

"She's okay, Cynthia. She just needs to rest," I assured my wife's cousin.

"Ano ba naman kasing pinaggagawa mo sa buhay mo, Elle?" pabulong na tanong ni Cynthia pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ko, but as always, I pretended like I didn't hear anything.

It's better this way. This way I can keep her by my side. Just like the old times.

"No . . . no! Claus! I can't just let it go! Pinag-hirapan 'to lahat ni Daddy!" humahagulgol na saad ni Samuelle habang pinipigalan ko siyang sugurin ang mga board members na pinagkaisahan siya at binenta ang mga shares ng kompanya.

"Shh . . . it's okay . . . maayos din natin 'to. Well find a way, okay? For now, just calm down. Hindi ka makakapag-isip nang maayos in this state, Samuelle," pilit kong pagpapakalma sa kanya.

"No! C-claus!" Hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa patuloy niyang paghagulgol. She needs to pull herself together now or else she might trigger her asthma at this rate.

Wala naman akong ibang magawa kung 'di ang yakapin siya at hintayin na lamang na kumalma. Sometimes silence with your presence is the most effective way to comfort someone.

"Claus . . . l-let's do it . . ." mahina niyang bulong habang nakapatong ang ulo niya sa may balikat ko habang masuyo kong hinahaplos-haplos ang buhok niya.

"Do what?" puno ng kalituhang tanong ko sa kanya.

"Y-you told me to tell you if hindi ko na kaya . . . you told me na you'll take care of all my problems . . ." Natigilan ako nang maintindihan na ang ibig niyang sabihin.

Almost Over (SP #1)Where stories live. Discover now