Kabanata 2

123 3 0
                                    

"SIGE, pumili ka, Tim! Ang mana mo o ang walang kwentang Evans na 'yan!" galit na sigaw ni Mr. Dexter Villagracia habang dinuduro ako.

Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit ni Tim sa kamay ko. Hindi ko maiwasang mapait na mapangiti habang nakatitig sa kamay niyang unti-unti nang bumibitiw sa pagkakahawak sa pulso ko.

Alam ko naman eh. Alam kong hindi ako ang pipiliin niya. Naiintindihan ko. Mula't sapul naman na ay magkaaway na ang pamilya namin. Sa hindi ko malamang dahilan ay galit na galit ang Daddy niya sa Daddy ko, kaya naman si Daddy umiiwas na lang para walang gulo.

Napapikit ako nang mariin nang tuluyan nang kumawala ang pulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya.

"Dad . . . do you . . . really need to do this?" mahinahon ang boses ni Tim habang tinatanong ang ama.

"Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang kung anong meron kami? Dad I love Elle so—" pakiusap ni Tim pero agad iyong naputol nang bigla siyang sugurin ng suntok ng kanyang ama. Agad ko siyang dinaluhan nang matumba siya sa lakas ng pagkakasapak ng huli.

"Mahal mo?! Tang-ina, Tim! Gumising ka! Libog lang 'yan! Ano bang mapapala mo sa malanding babaeng 'yan ha?! Wala! Lolokohin ka lang niyan! Iiwan ka niyan pag may nakita na siyang iba! Ganyan naman talaga ang mga Evans na yan, sa umpisa lang magaling!" Tumayo ako, naghahanda nang ipagtanggol ang pamilya kong minamaliit na.

Natigilan ako nang hawakan ni Tim ang kamay ko at mariing umiling.

I can't believe him!

Ini-expect niya bang hahayaan ko lang ang Daddy niya na maliitin ang pamilya ko?

I stared at him while trying to look for signs that he's with me in this, na lumalaban siya kasama ko. Pero wala, I can't see anything but hopelessness and forfeit in his eyes.

Mariin ko siyang tinitigan, mata sa mata. Pilit kong hinahanap ang masiglang mga mata ng lalaking minahal ko, pero bigo ako. Hindi ko siya makita. I can't see the Tim I am in love with.

"You're a coward, Tim," mariin kong saad bago marahas na inagaw ang kamay kong hawak niya at matalim na binalingan ng tingin ang tatay niya.

Gusto ko mang manumbat o singhalan sila dahil sa pangmamaliit na natanggap ko mula sa kanila ay hindi ko ginawa. Sa halip dire-diretso akong naglakad palabas sa mala impyernong mansyon ng mga Villagracia at agad na nagpara ng taxi upang makauwi.

Papasok pa lang ako sa bahay ay rinig na rinig ko na ang tuwang-tuwang boses ni Daddy. Na-curious tuloy ako kung sino ang nagpapatawa sa kanya ng ganoon. Seryosong tao kasi si Daddy, surely he's sweet with me, it's a given point anyway, I'm his only daughter and his only family. My mother died a day after giving birth to me. Kaya naman hindi ako masyadong sanay na may nakakapagpatawa sa kanya aside from me.

As soon as I stepped inside our living room, napailing na lang ako nang makita kung sino ang kausap ni Daddy.

Kaya naman pala.

Napailing na lang ako at nag-umpisa nang lumapit kay Daddy para humalik sa kanyang pisngi. Nang makalapit ako ay agad na nahagip ng tingin ko ang lalaking kausap niya.

Claus Zco, ang tanging businessman na kasundo ni Daddy. We knew each other not just because of my Dad, but because he's my best friend's older brother, too. He's two years older than Claire and I.

"Claus . . ."

"Samuelle . . ." Nalukot agad ang mukha ko nang marinig ang pagtawag niya sa buong pangalan ko.

"I told you it's Elle."

"What's wrong with Samuelle? Your name is . . . unique." Matapos sabihin ito ay dumagundong sa buong sala ang malutong na tawa ni Daddy.

"Are you hitting on my daughter in front of me, Claus?" pabirong tanong ni Dad sa kanya na nginisihan niya lamang.

"Ikaw talaga, Claus, inaasar mo na naman ang anak ko. Sige na, hija. You should rest. I know you're tired. Sleep well princess." He stood up to kiss my forehead.

I love my Daddy so much. I may be lacking in motherly love but my father never made me feel like I lost a mother, to me he is my mom and my dad.

"I love you, Dad. Claus, say hi to Claire for me and drive home safely," paalam ko sa kanila. Habang papaakyat sa kwarto ko ay nahagip ko sa peripheral vision ko ang paninitig ni Claus sa'kin, nang mapansin niyang nakatingin rin ako sa kanya ay agad niyang inilipat ang atensyon niya kay Daddy na tuwang-tuwa namang nagku-kwento.

Habang nakahiga ako sa kama ko ay hindi ko parin maiwasan ang isipin ang nangyari kanina kasama ang mga Villagracia. I can't believe Tim would be like that. I can't believe how I end up loving a coward.

I was still absorbed with my deepest thoughts when suddenly my phone rang. Nang silipin ko kung sino ang tumatawag ay halos ibato ko sa pader ang cellphone ko.

Tim calling . . .

"What?" As much as I don't want to talk to him right now, I can't let this problem of ours ruin everything.

We need to talk, at least that, I know.

"Elle . . . I'm sorry." Mapakla akong natawa nang matapos ang medyo mahaba-habang katahimikan ay ito lang ang nakaya niyang sabihin.

"Really?" I asked sarcastically.

"Elle. . ." he called me using his warning voice. "Stop being sarcastic please, let's talk properly."

Irita kong hinilot ang sentido ko na nananakit na sa kakaisip bago nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

"Then talk." And from there comes his long list of reasons as to why he can't fight for our relationship. This isn't the first time we fought over this thing. Pakiramdam ko nga sa aming dalawa siya pa ang babae, imbes na siya ang gagawa ng paraan para magustuhan siya ng family ko, he wants it the other way around.

And I was like, duh?! Why would I force myself on people who don't want me in the first place? My Dad didn't take care of me and raise me for that.

"I don't know, Tim, I'm getting tired of this," mahinahon kong putol sa mga sinasabi niya. Agad naman siyang natahimik sa sinabi ko.

"So, ano? suko ka na? Susuko na tayo?" rinig na rinig sa boses siya ang pagtitimpi ng galit pero imbes na matakot ay natawa lang ako sa sinabi niya.

"Anong tayo? You're not fighting at all, Tim," hindi ko napigilang sabihin. Natahimik ang kabilang linya.

"Elle . . ." tawag niya sa 'kin kalaunan.

"Let's stop here tonight. Palamigin mo muna ang ulo ko. Lalala lang to kung mag-uusap tayo habang galit ako. Good night, sleep tight." Narinig ko pa ang akma niyang pagtutol ngunit agad ko nang binaba ang tawag.

Papikit na sana ko nang makarinig ako ng tili at mga sigaw mula sa baba. Agad akong kinabahan nang marinig kong pangalan ni Daddy ang sinisigaw ng mga boses. Nagmamadali akong bumangon mula sa kama at agad na lumabas ng kwarto pababa sa sala.

Natigilan ako nang makita ko si Daddy na nakahandusay sa sahig. Hindi magkanda-ugaga ang mga katulong sa dapat nilang gawin. I was about to breakdown nang maramdaman kong may humawak sa mga braso ko at hinarangan ang line of vision ko dahilan para hindi ko makita si Daddy.

"Samuelle, listen. Your dad needs you now. You need to be strong, don't panic. Calm down, the ambulance is on the way, okay?" Hindi ko alam kong paano nagawa ni Claus na pakalmahin ako matapos punasan ang mga luha ko.

A few minutes later ay dumating agad ang ambulansyang tinawagan pala ni Claus. Apparently my Dad had a sudden heart attack, we can't just bring him to the hospital ourselves lalo na't nagsi-seizure siya. So we waited for the ambulance.

Upon our arrival sa hospital ay agad na dinala si Daddy sa emergency room. I was just there, tulala, hindi ko alam ang gagawin ko if ever mawala si Daddy sa 'kin.

He's all I've got.

"Tito Sam would be fine, Samuelle, he will be,"Claus assured me as he guides my head to rest against his shoulder. And minuteslater, darkness consumed me.

Almost Over (SP #1)Where stories live. Discover now