Prologue

87 6 7
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, businesses, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

**


"Cedes!" Kaagad akong napalingon mula sa'king likuran nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Cassandra, Camilla" Kalmado kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko. Kasama niyang tumatakbo si Camilla.

"Tara! Dali!" Hindi na ako nakasagot pa ng tuluyan nila akong hilahin.

"Saan ba tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong.

"Tadaaaaaaaa!" Dinala nila ako sa may bleachers kung saan naroon sila Jihan at Marie.

Wala pa rin akong kaide-ideya kung anong nangyayari.

"Ahh, anong meron?" Kamot ulo akong nagtanong.

"Ice-celebrate natin ang third year anniversary" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Camilla.

"Third year anniversary?" Naguguluhan ko ulit na tanong.

"Three years ka na kaseng single, dapat lang na i-celebrate noh" Nanlumo naman ako sa sinabi ni Cassandra. Nakita ko namang inilabas nila Jihan at Marie ang mga pagkain galing sa bag nila. Corny.

"Wala ba kayong mga pasok?" Pag-iiba ko ng tanong. Imposibleng nag cutting ang mga ito dahil graduating na sila sa mga courses nila. Maliban kay Jihan na hindi pa ga graduate dahil sa tagal ng kurso niya.  Magkaklase kami ni Camilla sa nursing block kaya walang problema dahil vacant namin, pero bukas ay balik duty na ulit. Pero sila Jihan, Marie at Cassandra ay hindi ko alam.

"Vacant namin" Sabay sabay na sagot nila Marie, Jihan at Cassandra. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil ang alam ko ay may duty si Cassandra.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinag gagawa nila. Dahil naglabas pa si Cassandra ng kartolina at may nakasulat na, "HAPPY THREE YEARS OF BEING SINGLE, MERCEDES!!"

Napa face palm nalang ako sa nabasa. Mga sira-ulo.

"Kung pinagbigyan mo sana si Lesther noon edi sana hindi ka single ngayon!" Sabay sabay kaming napalingon sa tinig ng lalaking nagsalita. Si Ash. Si Ash ang sumigaw, at kasama niya si Lesther ang iba nilang tropang sila Emmanuel, Cale, Andrei, at Geoff.

Ang paningin ko ay nalipat kay Lesther na ngayon ay nakatingin saakin. Hindi ko alam pero kakaiba ang tingin niyang iyon.

"Pwede ba? Magsipasok nalang kayo." Tumayo si Marie mula sa pagkakaupo. Nakita ko naman ang pagtawa ni Ash.

"Para sabihin ko sa'yo, Marie. Papunta kami ng library ngayon dahil may mga libro kaming kailangan basahin. Kayo nga e nagce celebrate d'yan samantalang may mga klase kayo" Napailing nalang ako dahil hindi na naman magpapatalo si Marie.

"Vacant namin excuse me!" Si Cassandra na ang nagsalita. Hinila naman ni Ash si Andrei. Nakita ko ang pagkagulat ni Cassandra.

"Andrei oh, vacant daw si Cassandra" Nagtawanan ang iba nilang tropa maliban kay Lesther na nakatingin pa rin saakin, umiwas ako at muling tumingin kay Andrei na diretsong Naka tingin kay Cassandra.

Walang sumubok mag salita. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang katindi ang tensyon ng sila Andrei at Cassandra na ang binanggit ni Ash. Kaagad naman akong napailing at tumayo ng maayos. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Andrei.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now