Chapter 14

12 1 0
                                    

"Oh, bakit parang hindi ka naman masaya na narinig niya?" Naguguluhang tanong ni Camilla. Problemadong problemado ako sa katangahang nagawa ko kagabi.







"I love you... Jan" I said before closing my eyes.




"Ate Cedes, matutulog kang naka-call pa rin kay Kuya Jan?" I heard Ellie. Nangunot naman ang noo ko at nagmulat.




"Antok lang 'yan, Ellie. Kanina pa kami tapos mag call ni Jan." Tinalikuran ko si Ellie at dumapa sa kama. Then, I realized that I'm still holding my phone. Hindi ko na-end ang call namin! And he actually heard what I've said! Kaagad akong napa bangon para mabilis na i-end ang call namin. Narinig ko naman ang pagtawa ni Ellie, I glanced at her.





"Nako, Cedes. Kung ako inaantok, ikaw naman humaharot. Diyan ka na nga" Pagkasabi niyang iyon ay humiga na siya at nagtaklob ng kumot. Napapikit naman ako sa sobrang kahihiyan. And there, I saw Jan's flood messages.





Juan Arceo Cruz
So, mahal mo na ako?





Juan Arceo Cruz
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, love. I love you!








"Hindi naman sa hindi ako masaya. Ang akin lang, nakakahiya!" Reklamo ko kay Camilla. Pinitik niya naman ang tenga ko dahilan para mapalo ko siya.




"Aba! Ikaw pa mamamalo ngayon ha? Bakit parang kasalanan ko? Ma, I'm sorry. I'm sorry, Ma. Noong nagkaroon kasi ng crisis sa Spain, isa ako doon sa mga teachers na natanggalan ng trabaho kasi sabi nila hindi naman daw ako talaga magaling--- "






Kaagad kong pinutol ang line ni Camilla dahil masyado na s'yang oa!





"Tumigil ka nga, Camilla! Ang oa mo!" Inirapan ko si Camilla at niyakap ang sariling mga binti. Buti nalang at naka pe pants kami.




"Ikaw nga 'tong oa! Ang duwag mo. Mahal mo pala eh bakit nahihiya kang sabihin?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.





"Hindi ako duwag! Nahihiya nga ako dahil sa katangahang nagawa ko kagabi na akala ko napatay ko na yung call namin, tapos hindi pa pala!" Reklamo ko.





"Oh, eh ano namang sinagot mo sa sinabi niya kagabi?" Camilla asked.








Ano bang sasabihin ko kay Jan? Hindi naman na ako pwedeng mag deny dahil narinig niya na.





Juan Arceo Cruz
Reply: Uhh, baka nagkamali ka lang nang narinig.




Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now