Epilogue

14 3 0
                                    

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Takang tanong ni Camilla habang nagblo- blower.

Pinakatitigan ko naman ang dress ko na nakasabit sa closet.

"Hindi lang ako makapaniwala na, sa dinami-rami ng mga nangyari, naging maayos pa rin lahat. I mean, look, ikakasal na si Jan." Ngumiti ako ng Tipid saka kinuha ang dress.


"Baka naman ipaglaban mo pa yung sainyo ni Jan ah? Baka mamaya sumigaw ka ng itigil ang kasal mamaya?" Natatawang sabi ni Camilla.


"Syempre, hindi noh. I won't do that. Ayaw kong tanggalan ng kasiyahan si Jan, pati na rin si Rose. Ang tagal nilang hinintay 'to." Pagpapakatotoo ko. Hindi ko kayang hindi makitang masaya ang mga taong minahal ko at naging parte ng buhay ko.


"Sigurado ka bang kaya mo silang makita mamaya? Pwede pa naman tayong hindi pumunta." Umiling ako kay Camilla saka inihanda ang sarili Para makapag bihis.


"Sigurado na ako, Camilla." Ngumiti ako sa kaniya saka pumasok sa loob ng banyo para makapag bihis.


Pagkatapos mag bihis ay pina curl ko kay Camilla ang buhok ko. Parehas na silang nakabihis ni Cassandra, nakaayos na rin sila. Samantalang ako, hindi pa nakakapag make up at hindi pa ayos ang buhok.


"Gusto mo ba make up-an na kita, Cedes? Baka kasi mahuli tayo sa kasal nila." Pag-prepresinta ni Cassandra.


"Kaya ko na, paabot nalang nung make up kit ko, nasa kama." Pagtatanggi at pag-utos ko kay Cassandra. Kaagad niya namang iniabot sa'kin ang make up kit ko saka sinimulang ayusin ang sarili.


After an hour ay natapos na rin ang pag-aayos nila sa'kin. Ipinalugay nalang sa'kin ni Camilla ang kulot kong buhok para maganda tignan. Sa totoo lang ay hindi ako komportable na ganito ang hitsura ko, palibhasa ay nasanay na rin na panay Hospital gown ang suot.


"Parang ikaw yung ikakasal, Cedes. Pak!" Tuwang-tuwang sabi ni Cassandra.


"Oh, tara na. Sa simbahan na tayo dumiretso." Pagyaya ni Camilla saka sabay sabay kaming lumabas ng bahay.

Si Cassandra na ang tumawag ng taxi para ihatid kami sa simbahan. Hindi na kami nagpasundo sa mga driver nila Rose dahil ayaw naming abalahin pa sila.

Nadatnan namin ang ibang mga bisita sa simbahan na nasa labas at hinihintay ang bride bago sila tuluyang pumasok. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil saktong naroon na rin ang parents ni Jan.


"Si Jihan!" Gulat na sigaw ni Cassandra dahilan Para sabay-sabay kaming mapatingin sa gawing tinuro niya.


"Am I late?" Nagmamadali niyang tanong papalapit sa'min.


"No, kadarating lang din namin." Sagot ko at ngumiti.


"Ayan na si Jan." Dinig naming sabi nung isang bisita. Sabay sabay naman kaming napatingin sa kotseng huminto sa harapan namin at ibinaba niyon si Jan, wearing his white tuxedo.

Pinakatitigan ko siyang maigi. Napakalinis niya. Napaka saya. Gwapo pa rin.

"Cedes" He smiled at me. I gave him a sweet smile.

"Thanks for coming." Tumingin siya sa'min ng mga kaibigan ko. I gasped when he held my hands.


"Thank you." Parang may kung anong kurot ang dinulot niyon sa puso ko.

Para sa'yo, Jan... Magiging masaya ako kung saan o kung anong Makakapag pasaya sa'yo.

"Excuse me." Singit ng wedding organizer. "Jan, pasok ka na. Rose is here." Tumango naman si Jan saka pumasok ng simbahan. Nagsimula na ring pumasok ang mga bisita nila.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now