Chapter 17

11 0 0
                                    

"Oh, tanghaling tapat naghaharutan kayo! Sa waiting shed pa talaga?"



Halos maitulak ko na si Jan paalis sa pagkakayakap namin dahil sa biglang pagsulpot ni Dhienielle.



"Malapit na raw si Tita." Automatiko naman kaming nagkatinginan ni Jan. Deserved niya naman na makilala si mama, at kailangan din siyang ma-meet ni mama.



"Ipapakilala kita kay mama. Ayos lang ba sa'yo 'yon?" Sabay kaming tumayo ni Jan at tumango naman siya.




"Ayan na si Tita." Natanaw naman naming tatlo ang sasakyan ni mama bago ito huminto sa mismong tapat namin. Buti at bumaba si mama sa mula sa sasakyan.




"Aga niyo naman magpasundo. Akala ko hapon pa kayo." Natatawang sabi ni mama. Napansin niya naman si Jan na katabi ko lang. Ngumiti naman ako kay mama.




"Ma, gusto ko po sana ipakilala sainyo si Jan." Lumapit naman si Jan kay mama at ngumiti saka bumeso kay mama.




"I'm Juan Arceo Cruz po. I'm fifteen years old. Kaklase po ako ni Dhinielle. It's my pleasure to meet you po, Tita. Now I know kung kanino nagmana ng ganda si Mercedes." Natawa ako dahil hindi ko inasahan ang mga sinabing iyon ni Jan. Maski si mama ay natawa rin at tinapik si Jan sa balikat. Nakatingala si mama kay Jan dahil mas matangkad sa kaniya si Jan.





"Hintayin ko nalang kayo dito, guys!" Napalingon naman kami kay Dhienielle na naka sakay na sa sasakyan. Napailing nalang ako.





"Ikaw pala si, Jan. Naku, kumusta naman ang laro?" Nakangiting tanong ni mama. Tinignan naman ako ni Jan bago muling inilipat ang atensyon kay mama.




"The game went well po, Tita. Nanalo po ang team namin. Thanks to your daughter, Tita. She's a good cheerer." Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Jan. Tumingin naman sa akin si mama at hindi makapaniwala sa narinig.



"Oh? That's good. Nakakapanibago naman, but, I'm glad that you're making her happy." Ngumiti naman si Jan kay mama at tumingin sa'kin.



"I will always make her happy, Tita. I promise." Tumango naman si mama kay Jan at nginitian ito.



"Hintayin ka namin ni Dhienielle, anak.  Park ko muna ito doon, take your time. Tapos puntahan mo nalang kami kapag uuwi na tayo, okay?" Nagliwanag naman ang mga mata ko at tumango kay mama. Sabay naming pinanood si mama na pumasok sa sasakyan at minaneho ito papunta sa kabilang side ng kalsada para i-park.




"Bakit pala sinabi ni Tita na nakakapanibagong nag cheer ka?" Natatawang tanong ni Jan. Should I tell him about my condition? Pero kapag sinabi ko, baka magbago ang isip niya sa akin. Baka isipin niyang mahihirapan lang siyang i-handle ang ugali ko. Baka iwan niya ako nang dahil lang sa kundisyon ko. Baka---




"Cedes? Tulala ka." Naramdaman ko naman ang biglang pagtapik ni Jan sa braso ko dahilan para magulat ako. I shook my head and looked at him.




"Ahh, tahimik kasi ako tapos hindi ako pala-sigaw." His mouth formed "O". Hindi ko alam kung tamang iyon ba ang in-excuse ko. Pero mas lalong hindi rin naman tama na itago ko sa kaniya yung kundisyon ko lalo na ngayong sinagot ko na siya.




"Are you okay, love? You looked, worried." Pinakatitigan niya naman ako. Gusto kong kiligin dahil personal niya akong tinawag na love. Pero mas nanguna ang aking kaba.




"Ahh, hindi ka pa ba uuwi, Jan?" I asked. Nangunot naman ang noo niya. Oh, no.. Sana hindi niya na misinterpret yung sinabi ko.




Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now