Chapter 12

15 3 0
                                    

Weeks had passed. Wala akong inatupag kung hindi ang pag-aaral ko. Higit sa lahat, wala ring araw na hindi ako ngumiti. Nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti, nang dahil kay Jan.


Sa bawat araw na dumaan, mas lalo kong nakikilala si Jan. Lalo kong nakikilala ang totoong ugali niya. Aaminin ko, may mga araw na hindi kami okay. May mga panahon din namang maayos kami. Ganon talaga siguro dahil nagkakakilalan na kami. Sa paraang 'to, dito ko malalaman kung karapat-dapat ko ba siyang sagutin.



"Hoy! Lalim ng iniisip mo ah" Hindi ko napansin ang biglaang pagtabi saakin ni the Dhienielle.



"So, sino iniisip mo?" Natawa ako sa tanong niya.



"Ito naman, kapag ba may iniisip kailangan tao kaagad?" Napapailing kong sagot sa kaniya.



"Hmm, pwede?" Sabay kaming natawang dalawa.



"Si Jan" Biglang banggit ko. Nakita ko naman mula saaking peripheral view na napatingin saakin si Dhienielle.



"Ha?"



"Sabi ko, si Jan yung iniisip ko" Nalipat ang tingin ko sa kaniya nang pumalakpak ito. Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.



"Ayun na nga! Iba talaga kapag in love, hay" Napangisi ako sa sinabi niya. "Kailan mo ba kasi siya sasagutin? Lagi akong bugbog sa kaniya, ini- imagine niyang kayo na raw! Nabaliw na sa'yo" Kailan ko nga ba siya sasagutin? Eh parang isa o dalawang linggo palang siya nanliligaw? Kailan na ba siyang sagutin?



"Hindi ko rin alam eh" Naramdaman ko naman ang pagpingot niya sa tainga ko dahilan para mapatayo ako at mapasigaw nang malakas!



"Ano ba!" Reklamo ko sa kaniya.




"Shunga ka pala e! Bakit hindi mo pa alam kung kailan?" Muli naman akong umupo sa kama ko at yumuko.




"Kailangan bang mabilis kaagad? Sasagutin kaagad?"



"Alam mo, sabi nga nila, ang relasyon ang patagalin at hindi ang panliligaw" Pagkasabing iyon ni Dhienielle ay iniwan niya na ako mag-isa sa kwarto ko. Naalala ko ang Sinabi ni Cassandra noon, na 'wag daw ako gumawa ng desisyon kung hindi pa ako sigurado dahil balang araw ay pagsisisihan ko raw. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ako makapag desisyon kung kailan ko sasagutin si Jan.




NILIBANG ko ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman sa paligid ng bahay namin. Pakiramdam ko kasi ay nare relax ako kapag mga halaman na ang kaharap ko.


Hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa sinabi ni Dhienielle kanina. Relasyon ang patagalin, hindi ang panliligaw. Eh kaya nga liligawan ka ng lalaki para magkakilanlan kayong dalawa, 'di ba? Kaya maraming nagsisisi at maagang naghihiwalay dahil sa rason na napagod na sila sa ugali nung partner nila, na kesyo dapat daw ay hindi nalang naging sila dahil ganon nalang din daw  ang mangyayari sa kanila. Hindi ko ma-gets ang mga tao ngayon.



"Ate Cedes, akala ko ba halaman yung dinidiligan mo?" I gasped when I heard my cousin's voice. Napansin ko namang hindi na pala sa halaman tumatama ang tubig sa hose.



"Patayin mo yung gripo doon." Turo ko sa gripo malapit sa may swimming pool. Mabilis naman siyang tumakbo papunta roon para patayin ang gripo bago bumalik saakin.




"Lutang ka na naman, Ate Cedes. Halaman na ba ang lupa ngayon?" Gusto kong matawa kay Robi dahil ang lumalabas ay sinesermonan niya ako. "Tignan mo oh, basang basa na 'yang lupa" Iling-iling siyang tumalikod saakin.



Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now