Chapter 4

27 5 3
                                    

"Ate Cedes"



"Ate Cedes, gising na"



Konti-konting nagmulat ang mga mata ko ng marinig ang boses ng tumatawag sa pangalan ko.



Kusot mata akong bumangon mula sa pagkakahiga at nakita si Ellie na naka school uniform na.



"Aga mo naman yata" Sita ko sa kaniya. Hihiga pa sana ako ng bigla siyang tumawa.



"Ate, alas-siyete na. Ano? Papasok ka pa ba?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ilang oras ang tulog ko?!



"Bakit hindi mo ako ginising ng maaga?!" Kaagad akong tumakbo papuntang banyo habang sinisigawan siya.



"Anong hindi? Hindi ka nga magising kanina kaya tumigil na ako kaka gising sa'yo!" Rinig kong sigaw nito mula sa labas ng banyo.



"Mauna na kayo ni Sheed! Magpapahatid nalang ako!" Sigaw ko. Hindi na ako nakarinig pa ng sagot kay Ellie at nagmadali nalang sa pagligo at pag-ayos.




"Cedes, hindi ka pala sumabay sa kuya at pinsan mo?" Gulat si mama nang makita niya akong kakalabas ng kuwarto ko.



"Ma, pahatid naman po ako oh. Late kase ako nagising, twenty minutes na akong late" Kaagad namang pina-andar ni mama ang sasakyan namin at mabilis itong pina-andar.



Hindi na ako nagpaalam pa kay mama at mabilis na tumakbo papasok sa school.



"Chemical bond is a lasting attraction between atoms, ions or molecules that enables the formation of chemical compounds"



Napapikit ako ng marinig ang tinig ng science teacher namin na nagle-lesson na.



Mahina akong kumatok sa pintuan ng classroom namin. Si Ma'am Nes ang nagbukas, as expected.



"Miss Callo, you're late" Napayuko naman ako at napa pikit. Napa pikit ako hindi dahil sa nasabihan akong late, kung hindi sa ipapagawa ni Ma'am Nes. Tuwing may nale-late sa klase ni Ma'am ay nagpapa recite ito.



"I'm sorry, Ma'am" Binuksan naman ng maayos ni Ma'am ang pintuan para tuluyan akong nakapasok. Ako na ang pinagsara ni Ma'am pintuan. Nanatili akong nakatayo.



"You know my rules, Miss Callo" Tumango naman ako. "Ang lesson ngayon ay tungkol sa Chemical Bond. At alam kong familiar ka doon" Tumango ulit ako.



"What is the three types of chemical bond?" Umayos ako ng tayo at diretsong tumingin kay ma'am.




"There are three primary types of bonding. The Ionic, Metallic, and Covalent Bonding." Sagot ko. Huminga ako para magpatuloy sa pagsasalita. "An Ionic Bond is formed with when one atom donates valence electrons to another form. Metallic Bond is formed between cloud of free electrons and the positively charges ions in a metal. While, Covalent Bond is formed when both the atoms share pairs of valence electrons" Nakita ko naman ang malapad na ngiti sa labi ni Ma'am.



"Okay. Next time ayoko nang may na le-late sa klase ko. Understood, Miss Callo?" Pagpapaalala ni Ma'am sa klase at muling tumingin saakin.



"Yes ma'am" Tipid na sagot ko. Sumenyas ito na pwede na ako umupo kaya naman yumuko ako sa kaniya at mabilis na umupo sa pwesto namin nila May at Marie.




"Hindi ka ba sumabay kay Ellie? Bakit naman kase na-late ka?" Bulong ni Marie.



Tipid akong ngumiti ng maalala kung bakit hindi ako nakatulog kaagad kagabi.



Sa Hindi Pag-AlalaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum