Chapter 15

12 1 0
                                    

"I know, love. I know.."



Hindi ko alam pero hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siyang love. He deserves to be loved naman.




"Tinatawag mo na akong love ah." I heard him chuckled.




"Matutulog na ako, Jan. You should sleep na rin." Nakangiti kong sabi habang ang tingin ay nasa kisame.




"I will, love. Good night. Mahal kita." I smiled. Jan's the sweetest talaga.




"I...." Napaisip ako bago ituloy ang sasabihin ko. "Love you." Ngumiti ako at inend ang call namin. This time, I made sure na na-end ko talaga.




"Naka smile ka na naman." Biglang sulpot ni Ellie at inihiga ang ulo sa lap ko.




"Anong feeling ma- in love, ate Cedes?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tanong ni Ellie. Hindi ako makapaniwalang itatanong niya sa'kin 'to. I mean, alam ko namang darating yung araw na itatanong niya ang tungkol sa bagay na 'yan, pero I didn't expect na ngayon na pala yung araw na 'yon!




"Bakit mo natanong?" I asked. Syempre,  bago ako sumagot kailangan ko muna tanungin bakit niya natanong.




"Hmm, wala lang. Para maging handa ako kung sakaling dumating man yung araw na ako naman yung magkaka gusto. Napapanood ko kasi sa mga teleserye na umiiyak yung mga girls." Ellie looks innocent. I mean, yes, she's innocent.




"Bakit ba sila pinapaiyak ng mga lalaki, ate? Lagi nalang nila pinapaiyak mga babae." I stiffed. Gusto ko sana tumawa kaso seryoso pala ito!




"Alam mo, Ellie?" Hinarap ko siya sa akin at tinulungang bumangon para makaupo. "Hindi lang naman mga lalaki ang nananakit, lagi mong tatandaan 'yan ah? Hindi purkit lalaki ka, ikaw na yung nananakit. Hindi rin naman purkit babae ka, ikaw na yung sasaktan." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ellie.




"Ang ibig kong sabihin, wala sa kasarian 'yan. May mga babae rin namang sinasaktan yung mga lalaki. May mga lalaki rin naman na sinasaktan yung mga babae. Pwedeng physical, or emotional." Pagpapaliwanag ko. Hindi ako magaling mag-explain, pero sinubukan ko sa paraang maiintindihan ng pinsan ko.




"Sa teleserye, majority nilang ginagamit ang mga lalaki na sinasaktan ang mga babae. Hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro iyon ang common na nangyayari?" I smirked. "Pero lagi mong tatandaan na 'wag mananakit ng damdamin ng iba kung ayaw mong makasakit, Ellie. Watch your words." Tumango ito sa akin dahilan ng pag ngiti ko.





"Ilang taon ka na ba, ate Cedes?" Pinsan ko ba talaga 'to? Bakit hindi alam edad ko?





"Sixteen." Simpleng sagot ko.





"Sabi ng mga matatanda, masyado pang bata ang sixteen para magmahal at malaman ang mga ganiyang bagay. Bakit nagmahal ka kaagad?" Pakiramdam ko tuloy ay napahiya ako sa sinabing iyon ni Ellie.




"Naniniwala kasi ako na..." Tumigil ako at pinakatitigan si Ellie.  "As long as you're matured enough, at kapag alam mo na ang resposibilidad at limitasyon mo, matututo ka. Oo, siguro nga bata pa. Siguro nga sinasabi nung iba na, wala ka pang alam sa ganiyan dahil bata pa. Pero, anong magagawa? Eh, nagkagusto na eh. Tumibok na yung puso eh. Basta ang alam mo lang, ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Tsaka, dapat alam mo sa sarili mo na ready ka na, Ellie. Hindi pwedeng sunggab lang nang sunggab. Tsaka, sabi nga nila 'wag magmamadali, hintayin mo lang na kusang dumating saiyo at kusang maramdaman mo." Sana ay naintindihan ni Ellie yung paliwanag ko. Bakit ba hirap na hirap ako mag explain?





Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now