Chapter 3

33 7 9
                                    

Mula pag-uwi kahapon hanggang sa makatulog ako ay wala na akong ibang inisip kung hindi ang message request ni Jan.

Madali lang naman magdesisyon kung ia-accept o delete ko, pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil saaking i-accept ang message request niya.

"Message request palang 'yon, paano na kapag nag friend request na s'ya?"  Wala sa sariling sabi ko.

"Nababaliw ka na ba" Halos mapatalon na ako sa gulat ng marinig ang bulong ni May. Napa ngiti naman ako ng pilit at umiling.

"Hmm, siguro, malapit na" Natawa ako ng bahagya at umiling.

"May" Pag tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapahinto siya sa pagdo- drawing.

"Bakit?" Sa tagal na naming magkaibigan ni May ay nakasanayan ko na ang malamig niyang pag sagot.

"Pwede magtanong?" Ngumiti naman siya saakin.

"You're already asking na, Cedes" Napakamot naman ako sa ulo ko at huminga ng malalim.

"Kapag ba, may nag message request sa'yo na hindi mo pa masyado close, ia-accept mo ba o hindi?" Sumimangot naman si May dahil sa tanong ko.

"Cedes, are you serious?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni May. "Hindi mo nga kilala bakit mo ia-accept? Sira ka ba?" Nakita ko naman ang pag ngisi at pag iling ni May. Sa bawat araw na dumadaan ay paiba ng pa-iba si May. Hindi pa ba ako nasanay? Siguro nga hindi pa.

"Pero" Muli naman akong napatingin kay May na ngayon ay itinutuloy na ang pagdo-drawing.

"If willing ka naman makipag close o makipag kaibigan sa taong 'yon, edi i-accept mo." Ngumiti nalang ako kay May bilang sagot.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko at in-open iyon.

Siguro nga, tama si May. Wala namang mawawala kung ia-accept kita. Oa lang talaga siguro ako.

Pinindot ko ang accept at nagsimulang magtype ng pang reply.

Juan Arceo Cruz
Reply: uh, hello! sure, just let me know kung kailan ulit tayo maglalaro.

"Uy, nireply-an na" Bakit ba sulpot ng sulpot itong si Camilla kung saan-saan?! Tumabi ito saakin at ngumiti.

"So nakapag desisyon ka na pala! Magiging chatmates na kayo n'yan!" Kinikilig pa ito at pinipilit na silipin ang cellphone ko para makita ang reply ko kay Jan.

"Sira! Baka may girlfriend 'yan at magalit pa saakin noh. Nag reply lang talaga ako dahil sa laro" Huminga ako ng malalim. Oo nga noh? Paano kung mayroon pala siyang girlfriend. Mamaya mapasama pa yung pag reply ko.

"Ay, linyahan 'yan ng sad girl, beh! Sasabihing 'baka magalit girlfriend mo' pero gusto lang pala malaman kung may girlfriend o wala. Naku, Cedes" Bakit ba ang daming alam neto?

"Hoy hindi ah! Hindi naman ako interesado kung may girlfriend 'yan o wala" Pagdepensa ko.

"Weh? Eh, kakasabi mo lang na baka magalit ang girlfriend n'yan. Lumalabas na parang gusto mo ring alamin kung may girlfriend ba talaga siya o wala" Napaisip ako sa sinabi ni Camilla. Bakit siya alam niyang Gusto ko malaman kung may girlfriend ba si Jan? Bakit ako mismo sa sarili ko e Hindi ko alam na gusto ko pala malaman?

"Feeling ko crush mo na 'yang si Jan" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabing iyon ni Camilla. I waved my both hands para sabihing hindi.

"Hala! Hindi ah" Pagtatanggi ko at binigyan niya ako ng reaksyong nagsasabi na hindi siya naniniwala.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now