Chapter 31

7 0 0
                                    

"Pupunta si Tita?" Bulong ni Camilla. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen.

I sighed.

"Wala naman s'yang choice kung hindi ang pumunta." Sagot ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, lalo na't baka pagalitan ni mama si Jan, at baka ma- suspend si Jan sa school nila.

"Eh kayo ni Jan? Nakapag usap na ba after nang nangyare?" Tanong ni May. Umiling naman ako.

I stayed up all night waiting for Jan's message. Pero, wala talaga.

"Pride over love." Wala sa sariling bulong ko. Napangisi naman ako.

"Alam mo, para sa'kin ang toxic ninyo." Si Cassandra. "Wala nang nangyari sainyo kung hindi away. Parang mas marami pa nga yata yung pag-aaway ninyo kaysa sa naging sweet kayo. Tapos ayun nga, pride." Tama naman si Cassandra. Hindi ko matandaan kung ilang beses kaming naging sweet o okay ni Jan.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang kinwento noon ni Jan.

"Never daw silang nag-away ni Meoni Rose. Napag-uusapan daw nila lahat ng bagay. Bakit sa kanila ang dali lang?" Matamlay kong tanong.


"Because he loves Meoni. Ganoon lang kasimple ang sagot, Cedes. Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo papatagalin ang away ninyo." Sagot ni Cassandra.

"Edi, hindi niya mahal si Cedes?" Tanong ni Camilla.


"Let's just say... Mas lamang ang pagmamahal niya para kay Rose." Sagot ni Cassandra. Syempre madali niyang sabihin ang mga sinasabi niya lalo na't parati niyang kausap si Jan. Siguro ay may nalalaman siyang hindi niya sinasabi sa'kin.


"Unfair naman." Si May.

"Ganoon talaga siguro. Mahirap kalabanin ang nauna." Nakangiti kong sagot.

"Kung mahirap kalabanin ang nauna? Bakit ang dali kong nabura sa puso niya? Hay buhay." Reklamo ni Cassandra.

"Basta ako codm at pubg nalang. Putanginang pagmamahal 'yan." Natawa naman kami sa biglang sinabi ni Marie.

Natanaw ko naman si Lesther na papalapit sa'min.

"Cedes, pinapatawag na tayo sa office." Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan. Tumango naman ako sa kaniya saka sumama.

"Lesther, sorry talaga ah. Pati tuloy ikaw nadamay." Paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ngumiti lang naman siya sa'kin.

Nadatnan ko si Jan na nasa loob ng office ni Sir Jay. Kasama niya ang Mama niya. Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan mo makikilala ang mama niya.

Napansin ko rin naman si mama na mukhang hindi Gusto ang nangyayari. Tumabi naman ako sa kaniya, gayon din si Lesther sa mama niya.

"Okay, Let's start." Panimula ni Sir Jay. "Pinatawag ko po kayo dito parents dahil.. siguro naman ay nabalitaan ninyo na sa mga anak ninyo ang nangyari." Yumuko nalang ako at nakinig kay Sir Jay.


"You, what's your name?" Sa palagay ko'y si Jan ang Tinatanong ni Sir Jay.


"Juan Arceo Cruz." Pabalang na sagot ni Jan na ikinagulat ko dahilan para mag-angat ko nang tingin.


"Mrs. Cruz, alam na ng school nila ang nangyari. Papatulan daw siya ng one week suspension. At I didn't like what happened. Dito pa nagkalat ang anak ninyo." Medyo naiinis na sabi ni Sir Jay.


"Para maging fair, may punishment din akong ibibigay kay Miss Callo and Mr. Estev." Nagkatinginan naman kami ni Lether. Nalipat Naman ang tingin ko kay Jan na ngayon ay masama ang tingin sa'min ni Lesther. Bakit ka ganiyan?


Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now