Chapter 37

9 0 0
                                    

"Ayos ka lang?" Takang tanong ni Cas habang umiinom ng kape.

"Sino nag text?" Tanong naman ni Camilla.

"Ah, wala." Umiling ako at ibinulsa ang cellphone. "Wala man lang pa-kanin 'yang secret admirer mo, Cas. Gusto ko ng kanin." Pag-iiba ko ng usapan.

Natawa naman si Cassandra saka napailing. "Nga pala, ano oras out ninyo?" Tanong niya.

"After lunch ako." Sagot ko saka ininom ang kape.

"After lunch din ako." Sagot ni Camilla. Napabusangot naman si Cassandra nang marinig ang mga Sagot namin.

"Unfair, mamayang 6pm pa ako. Para saktong 24 hours." Reklamo niya.

"Hayaan mo na, may magdadala naman sa'yo ng mga pagkain mamaya!" Mapagbirong sabi ni Camilla.


Pagkatapos naming Kumain ay nagpaalam ako sa kanila na magpapaload lang sa pinaka malapit na tindahan dito sa hospital. Magpapaload ako dahil rereply-an ko si Jan.

Napahinto ako sa paglalakad ng maisip na Bakit ko s'ya rereply-an.

"Okay, balik tayo ngayon." Bulong ko sa sarili saka muling naglakad pabalik.

"Mercedes?" Dinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napalinga naman ako sa paligid para hanapin kung sino iyon.

"Mercedes!" Natanaw ko naman ang lalaking kumakaway sa'kin. Nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala. Bigla rin itong tumakbo papalapit sa 'kin.

"Uhh, sorry? Do I know you?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga matandaan kung sino ito.

"Oo nga pala, hindi mo ako kilala." Natatawa nitong sabi. Sino ba 'to?


"Ako yung isa sa mga kaibigan ni Jan noong highschool palang tayo. Hindi mo ako kilala, pero I know you." Paliwanag nito. Hindi ko mahanap ang pake ko sa mga sinasabi nito.

"Ako si Ayson. Nakasama n'ya na akong mag bike noong pumunta siya sainyo." Kwento pa nito. Hindi ko pa rin talaga maalala. At wala akong balak alalahanin. At, ang talas naman ng memory n'ya para makilala pa ako.

"Ah? Iyon lang ba sasabihin mo? May duty pa kasi ako." Nahihiya kong tanong at napa kamot pa sa batok.

"Tatanungin ko sana kung free ka tonight. Nag-iinvite kasi si Jan, anniversary daw nila ni Rose." Naningkit naman ang mata ko sa narinig.

Bakit naman ako pupunta doon? Wala rin naman akong pakialam kung anniversary, weeksary, monthsary o kung ano pang sary ang mayroon sila.

"Ahh, Hindi ako interesadong pumunta." Sagot ko.

"He's inviting you." Para naman akong nabingi sa narinig. My mouth formed o.

"A-ano? Ako? Invited? Nababaliw ka na ba?" Gulat kong tanong. Why would Jan invites me on his anniversary celebration? To show me that he already moved on and he's in love with Rose? What the heck!

"Nakakatawa man pero.. invited ka talaga." Sagot niya at ipinakita sa'kin ang phone niya kung saan nag message sa kaniya si Jan.

Napapikit naman ako sa nabasa. Nababaliw na talaga si Jan. So ito yung dahilan kung bakit Tinatanong niya ako kung free ba ako mamayang gabi?

"I'm sorry, pero may date kasi ako mamaya." Pagdadahilan ko. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang magsinungaling.

"Date? May boyfriend ka na?" Gulat niyang tanong. I faked my smile and nodded.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now