Chapter 21

8 0 0
                                    

"Oh, bakit parang ako pa yung masama?"

Kasalukuyan kaming magkausap ni Jan sa telepono. Halatang halata ang pagkainis niya.


"May sinabi ba akong kasalanan mo? Eh, ikaw nga 'tong bigla nalang akong tinalikuran!" Galit na sumbat ko kay Jan.


"Kung iniingatan mo ang gamit mo, hindi mapupunta sa kaniya 'yang panyo mo." Napa singhap naman ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman kaagad ang pangingilid ng luha ko.


"Bakit ba ang big deal sa'yo na napunta sa kaniya yung panyo ko? Panyo lang 'yon!" Hindi ko hinintay pa ang sagot niya At kaagad siyang pinatayan ng call.

Kaagad ko namang Naramdaman ang mainit na luha na pumatak galing sa mga mata ko.

Ayaw ko nang nasisigawan. Hindi ko kinakaya. Pakiramdam ko ay galit sa'kin ang mundo sa t'wing sinisigawan ako.


"Nak?" Nalipat ang paningin ko sa nagbukas ng pinto. Si mama. Nginitian ko lang siya saka pinunasan ang luha.


"Rinig na rinig 'yang sigaw mo sa salas." Sabi ni mama at umupo sa tabi ko. "Napapadalas yata ang pag-iyak mo?" Sa tono ni mama ay halata na sa kaniya ang pag-aalala.



"Wala po ito." Pagtanggi ko. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na umiyak ako matapos ang isang taong breakdown ko. Unang iyak ko dahil nasigawan ako. At yung mga nakaraang iyak ko ay hindi rin maganda, dahil nago overthink ako.


"Sinasabi sa'kin ni Ellie. Naririnig ka raw niyang humihikbi kapag gabi, o kaya naman kapag naliligo ka." Napayuko lang ako sa narinig.


"Anong problema? Inaatake ka na naman ba?" Hinimas ni mama ang likod ko. Hindi ko alam pero bigla nalang Lumabas ang mga luha ko at umiyak nang tuloy tuloy.


"Hindi ko lang po maiwasang mag-isip." Pagpapakatotoo ko.


"Mag-isip tungkol saan?" Tanong ni mama. "Alam mo, Cedes.. Masaya ako dahil nagsasabi ka na sa'kin ngayon. Hindi katulad dati na wala kaming kaalam alam na bumibigay ka na pala. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong aalamin ko na ang bawat nangyayari sa'yo. Ayaw ko nang maulit yung nangyari dati." Tama ang sinabi ni mama. Hindi ako nago- open sa kanila. Dahil, pakiramdam ko ay tatawanan lang nila ako. Na baka, balewalain lang nila yung nararamdaman ko.


"Hindi ko po maiwasang mag-isip tungkol sa'min ni Jan" Pag-amin ko. "Masaya naman po kami, pero... May iba po talaga akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Ayaw ko pong may masira sa amin. Ayaw kong maging dahilan kung bakit aayaw na siya sa'kin. Natatakot po ako na baka isang araw, magsawa siya at mapagod sa kaka intindi." Doon ay tuloy tuloy ang paghikbi ko.


"Sshhh..." Pagtatahan ni mama. "Alam mo? Palagay ko, normal lang 'yan. Syempre, bago palang kayo. Hindi mo pa lubusang alam ang mangyayari sainyo. Understandable naman dahil hindi kayo nagkikita o nagkakasama. Nagkakaroon ka ng thought na, baka ganito baka ganiyan." Pagpapaliwanag ni mama. Tumango naman ako sa kaniya.


"Sige na po, ma. Magpapahinga na po ako. May pasok pa ako bukas." Ayaw ko munang pag-usapan dahil nahihirapan lang ako.


"Oh, sige. Pahinga na ah" Tumango ako kay mama bago siya pinanood ka makalabas ng kwarto.

Nang makalabas si mama ay kaagad akong humiga at nagtago sa kumot para muling makaiyak.

Mula ngayon ay kailangan ko nang mag-ingat sa kakaiyak ko dahil kay Ellie. Naiintindihan ko naman dahil concerned lang siya. Pero the more na malalaman n'yang umiiyak ako ay the more na hindi titigil si mama sa kakatanong.


Sa Hindi Pag-AlalaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin