Chapter 25

8 0 0
                                    

Warning: self-harm.



"How's your day? Ayos lang ba pakiramdam mo?"

Bungad ni Jan pag ka sagot ko ng tawag niya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya.


"Yes, ayos lang naman." Sagot ko saka umupo sa kama para tanggalin ang medyas.


"Love?" Pagtawag niya sa'kin. "What does depression feels like?" Bigla naman akong napatitig sa kaniya mula sa screen ng cellphone ko.

Paano nga ba yung pakiramdam?


"Well..." Umayos ako nang upo. "Mahirap.. Sobrang hirap." Pag-amin ko. Hindi naman talaga madali ang magkaroon nang ganitong kundisyon.


"Makakaranas ka nang loss of appetite, sleeping trouble, bigla kang lulungkot kahit wala naman talagang nakaka lungkot. Bigla ka nalang makakaramdam ng guilt sa lahat ng bagay. Pakiramdam mo, wala ka sa sarili. Empty, nawawalan ng pag-asa. Umiiyak palagi." Nakaramdam naman ako ng biglang pagsikip sa dibdib ko dahil sa pag kwento kong iyon.


"Sorry.." Nagulat naman ako sa Sinabi niya.


"Bakit ka nagso- Sorry?" Gulat kong tanong.


"Sorry, because I can't do anything... Hindi ko alam kung papaano mo hindi mararamdaman lahat ng 'yan.." Napangiti naman ako sa Sinabi niya.



"Love, you don't have to do anything. As long as I'm taking medications and therapy, magiging maayos din ako. Ang tanging hiling ko lang sa'yo eh mahalin mo ako." Nakita ko naman ang pag ngiti niya.


Maybe love can save me, love.



"Basta, pangako ko sa'yo na hindi ako susuko, love. Sukuan man ako ng kundisyon ko, ngunit hindi ko susukuan ang pagmamahal ko sa'yo." Nakangiti kong sabi kay Jan.


"Hindi mo ako iiwan?" Tanong niya. "Hindi kita susukuan, love." Seryoso niyang sabi sa'kin.


"Hindi kita iiwan.. Pangako." Pagpapangako ko saka binigyan siya nang matamis na ngiti.



"Mahilig ka sa Tala, love?" Biglang tanong ni Jan at pag-iiba nang usapan.



"Tala? Yung accessories ba?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pagtango niya mula sa screen.



"Hmm, sakto lang. Ang gaganda kasi nung mga nilalabas nilang necklaces tsaka bracelets." Manghang sagot ko. Totoo naman, sikat na sikat ang TBK ngayon.



"I need to sleep na, love. Hindi maganda sa'kin ang napupuyat." Pagpapaalam ko sa kaniya.



"Okay, sleeptight , love. Mahal kita." Nakangiti kong in-end ang call namin matapos marinig ang Sinabi niya.


Muli kong pinakatitigan ang ceiling bago humiga sa kama.



"Sana, maging maayos na ang lahat."  Ang tanging lumabas sa bibig ko bago tuluyang pumikit ang mga mata mo.



I woke up early and I feel like I'm going to cry. Hindi ko alam pero may panaginip akong hindi ko naman maalala. Sobrang bigat din ng dibdib ko, at hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin.


Kaagad akong napatakbo sa banyo saka naghilamos at doon umiyak ng umiyak. Kinakabahan ako, natatakot. Hindi ko maalala yung panaginip ko.. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Wala akong maramdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga sa dibdib ko dahil sa sobrang sikip.


May kung anong sariling isip ang mga paa ko at pumasok sa shower area saka binuksan ang shower. Napatalon naman ako sa lamig ng tubig na lumabas mula sa shower.


Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now