Chapter 10

17 3 0
                                    

Ngayon ang araw ng exam namin.  Medyo kinakabahan ako dahil baka
hindi lumabas sa exam ang mga nireview ko.


Kasalukuyan kaming nagkukwentuhang magkakaibigan. Nademonyo kami ni Marie na 'wag mag review. Napaka sama talaga!


Hindi namin kasama si Shean at Cheonsa. Si Shean ay nasa mga tropa niya, samantalang si Cheonsa naman ay nasa jowa niya. Naghaharutan sila habang nagre review! Edi sila na.


"Nagreview kayo?" Tanong ni Camilla.

"Hindi" Sabay na sagot nila Cassandra at Jihan.

"Kapag kayo mataas ang scores sinasabi ko sainyong dalawa" Natatawang sabi ni Camilla. Napailing naman sila Jihan sa sinabi ni Camilla.

"Jihan" Nalipat ang paningin namin sa tumawag kay Jihan. Si Rhoyde pala. Ang boyfriend niya. Goals sila dahil Parehas silang matalino, bestfriends pa. Ngunit nagtaka kami nang Hindi man lang pinansin ni Jihan Si Rhoyde.

"Hiramin ko muna si Jihan, ayos lang ba?" Pagpapaalam ni Rhoyde. Tumango naman kami sa kaniya. Wala nang nagawa si Jihan kung hindi ang sumama kay Rhoyde palabas ng classroom.

"LQ?" Natatawang sabi ni May.

"Naga- away din pala yung mga hayop na 'yon" Natatawang sabi ni Camilla. Kinurot ko naman siya at inirapan.


Kaagad din namang nakabalik sila Rhoyde at Jihan bago pa nagsimula ang exam.

Unang subject namin ngayon ay science. Buti nalang at nagsend ng extra notes si Cassandra dahil hindi kunpleto ang notes ko. Dagdag pa ang mga nabasa namin sa library noong nagreview kami doon.

Mabilis lang natapos ang exam namin. Ang dapat na tig iisang oras per subject ay naging thirty to thirty-five minutes lang. Maliban sa math na inabot talaga ng isang oras.

Puro major subjects ang in-exam namin ngayon. Bukas naman ang mga minor.

"Saan tayo tatambay? Mamaya pa ang uwian natin. Gusto ko matulog" Sabi ni May sa inaantok na boses.

"Tara, may alam akong lugar"  Kaagad ko naman silang dinala papunta sa puno ng mangga na pinagtambayan ko noong pinalabas ako ng klase. Kaagad naman silang nag unahan sa pwesto at kaniya kaniyang higa. Tumabi naman ako kay Jihan na ngayon ay nakatulala lang. 

Walang isa ang nagsubok na magsalita saamin at dinama lang ang simoy ng hangin. Tahimik dito. Bukod sa ang view namin ay ang building ng senior high school ng school namin, view din namin ang mga elementary students na naglalaro sa damuhan.

Nabasag lang ang katahimikan nang biglang magsalita si Camilla.

"Kumusta naman kayo ni Jan, Cedes?"  Hindi kami naglilingunan. Lahat kami ay nakapikit lang. Kung Hindi naman nakapikit, nakatulala lang sa puno.

Sasabihin ko ba na nililigawan na ako ni Jan? Pero bakit ko rin sasabihin? Sila nga mismo ay hindi nagkukwento saakin.

"Wala naman" Simple kong sagot.

"Anong wala? Ano 'yon wala man lang progress?" Natatawa niyang tanong. Gusto ko sabihin na friends lang kami ni Jan. Pero naisip ko na hindi man lang pala kami naging magkaibigan bago niya ako niligawan. Pero, importante pa ba 'yon?

"Sabihin nalang natin na, good terms naman kami"  Nakangiti kong sagot habang nakatingala sa langit.


"Iba na 'yang ngiti mo. 'Yang ngiti na 'yan e sinasabing kami na" Mapanuksong sabat ni Jihan. Natawa naman ako at umiling.

Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now