Getting Closer

7.5K 305 354
                                    


"Akala ko ba chill lang muna tayo?" tanong ko kay Gi na busy kakatingin kong malapit na ba  kami sa table nung babaeng naka assign yata para maglista ng mga applicants.

Juskolord

Kahapon pa kasi ako binubulabog nitong si Giselle para lang sumama sa kanilang magpalista dito sa kaisa-isang university saaming syudad. Gulat nga ako gurl, kasi after ng chikahan namin kila Ning biglang announce ng ganyan si Gi. Syempre gora agad si Ning tapos pati si Ryujin nag go din.

"Yun parin naman ang plans, minabuti ko lang na early tayong magtry dito para tuloy-tuloy yung flow ng chill time natin." sabi nya habang nakatingin dun sa papel na bigay nung isang staff. Nakalagay raw dito yung mga courses na pwede naming pagpilian.

"May napili na kayong course?" tanong naman ni Ning.

Bale naka-upo pala kami ngayon sa loob nitong function hall ng school. Bago kami pumunta dito at nilibot muna namin yung buong school kaya medyo nahuli kami sa pila.

Ang laki pala talaga nitong MLU. Magkakalayo bawat department, parang kailangan mo pang sumakay ng tricycle o motor para lang di malate sa mga classes mo. Sa may kanan yung education department, sa Kaliwa yung business ad tapos comsci naman sa dulo, yung engineering at agriculture lang yung magkalapit, nasa gitna kasi sila.

"Parang gusto ko mag comsci nalang." napatingin ako sa nasa likuran kong si Ryujin. Seryoso ba sya?

"Ba't parang duda ka Win?" taas kilay na tanong nito. Grabe ha tinatarayan na ako ng bruha.

"Kala ko kasi agriculture pipiliin mo." hinampas nya naman ako sa braso.

"Kala mo sa'kin, mahilig magtanim!?"

"Ayt di ba?"

Pansin ko samin halos nakatingin mga tao dito. Well siguro dahil magkakatabi yung mga magaganda. Pero siguro dahil dito sa katabi kong si Rina. Agaw tingin kasi talaga itong pinsan ni Gi, sobrang ganda kasi. Insecure ako mga bente.

Speaking of Rina pala, well okay na kami. Kasama namin sya ngayon kasi todo alok syang ihatid at sumama samin. Thankful naman kami kasi, hello? Tipid sa pamasahe at komportable pa kami. Ito nga..kahapon kasi muntik na akong masakal ni Mama dahil lang aksidente kong naputol yung isang tangkay ng halaman nya. Jusko dinig na dinig sa kabilang baranggay yung sigaw ni Mama. Napalabas nga ng bahay nila sina Gi, kala raw kasi nila kung anong nangyayari. Ito na nga, magaling pala itong si Rina pagdating sa mga plants. Kinausap nya si Mama tapos todo advice sya ng mga dapat gawin. Pagkatapos gusto na akong itakwil ni Mama at ipalit na anak si Rina. Nakakahurt.

Anyways thankful ako sa kanya kasi nawala galit ni Mother, chinika nya kasi ng chinika. Tapos syempre inalok sya ni Mama na mag meryenda samin. Nagkaroon rin kami ng konting chikahan. Nag sorry ulit sya about dun sa tri at nagvolunteer pang ipaayos raw ito, syempre todo tanggi ako kasi nakakahiya sa gasgas ng sasakyan nya. Pagakatapos nun kwentuhan na kami tungkol sa mga buhay namin. 10 years pala sya sa America at bumalik lang sya rito para takasan yung tatay nyang pinipilit syang mag doctor, ang brave nya ha. Mahilig raw talaga sya sa mga plants, tapos passion nya ang pagmo-model, tapos love nya mga sharks at crocodile. Jusko parang katakot sya maging ka-friendship. Tapos napunta usapan sa panahong nagbakasyon sya dito samin dati..pinaalala nya pa yung memories nya raw dito noong bata pa sya at yung time na kasama nya akong maglaro. Buti pa sya naalala nya ako kasi limot ko na, 8 years old palang kasi ako noon at minsan lang kasi yun kaya medyo hirap matandaan. Nagtampo naman sya kasi raw ang forgetful ko, taray forgetful talaga.

So ayun, nalaman kong pwede naman pala syang i-friend.

"Malapit na us, mag-isip na kayo ng ilalagay na course." utos samin ni Gi.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now