Ang lalakeng pinag-lihi sa wrong timing

4.2K 168 114
                                    


Shuta!

Anong ginagawa ng kumag na to dito? At ngayong araw pa talaga!?

Anak ng! Pinaglihi ba talaga ang lalakeng to sa wrong timing? Lagi nalang mali ang timing ng futa.

Mali yung timing nya noong naging girlfriend nya si Winter

Mali yung timing nya noong iniwan nya si Winter

At maling mali ang timing nyang pagpapakita ngayon kay Winter.

Noong nasa paradise resort kami, mabuti nalang talaga. Mabuti nalang talaga at naglakad-lakad ako papuntang snack bar noon. Kaagad akong bumalik papunta kila Giselle nun, parang nalaglag ko pa yata yung chitchiryang ni-request ni Lia sa sobrang bilis ng pagtakbo ko.

Pagbalik namin agad akong nagtanong-tanong. Kakabalik lang rin pala ng kumag galing Maynila. Nag-usap usap agad kaming tatlo na ilihim muna ito kay Winter baka kasi kung anong mangyari lalo't di pa nakaka move on si Winter.

Ikaw ba naman iwan ng taong gusto mo sa harap ng maraming tao sa pinaka importante at pinaka kailangang araw mo pa!

Nanggi-gigil ako. Parang gusto ko ulit suntukin eh.

"Anong ginagawa mo dito?!" pigil inis na tanong ni Giselle. Pansin kong pumunta na si Ning sa tabi ng nakatulalang si Winter. Masama ito.

"Bawal na ba? Si Winter ang ipinunta ko rito."

Aba't!

Ang kapal talaga ng apog ng lalakeng to.

"Walang pake sayo si Winter kaya umalis ka na." naglakad ako palapit sa kanya. Itutulak ko to ng pwersahan kapag nanlaban pa.

"Winter, mag-usap tayo kahit sandali lang..please?"

"Wala kayong dapat pag-usapan kaya tsupi!"

Di nito pinansin ang sinabi ni Ning at naglakad pa talaga palapit kay Winter.

Gago to ah!

Pipigilan ko sana kaso ang lakas futa. Muntik pa akong matumba.

"Winter kahit sandali lang." pagma-makaawa nito.

"Sinabing bawal ng--wag na wag mong hahawakan si Winter!" ready to fight na talaga si Giselle ng kamuntik ng mahawakan ng gago kamay ni Winter.

Hanggang ngayon kasi di parin maka-imik si Winter. Tahimik lang syang nakayuko. Umiiyak na naman ba sya?

"Winter usap tay--"

"Sinabi ng bawal diba."

Lahat kami natahimik ng magsalita si Karina. Maging si Winter napaangat na ng tingin. Yung boses kasi ni Mareng Kars, nakakatakot.

Pumagitna ito sa pagitan nila Winter at nung gago. Nakakagalit banggitin pangalan nya.

Sige mareng Karina, bakuran mo yang si Winter.

"Sino ka naman?" lakas ng loob mong itanong yan pre.

Yan si Mareng Karina, future ni Winter.

"Girl friend ni Winter."

Mas lalo kaming natigilan.

Si Winter nabalik na yata sa ulirat ng marinig sinabi ni Karina.

Nambibigla naman itong si Mare.

Girlfriend raw mga tsong!

"Excuse us lang ha, may lakad pa kasi kami. Istorbo ka."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now