Peklat

5.4K 194 54
                                    


Good morning air!

Good morning mga alikabok!

Good morning to all!

Masaya lang naman ako.

Ngayon kasi ang lakad namin papuntang Paradise beach resort!

Di naman ako excited, charot!

2 nights lang kami doon..gusto sanang i-extend ni Ning yung stay kaso agad syang winarla ni Gi. After raw kasi ng Paradise beach kailangan ko na raw mag-practice ng ip-perform ko para sa fiesta.

Ito talaga yung sinasabi kong..over supportive itong si Gi. Di na ako magugulat kong sya na naman mag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko, kagaya ng susuotin ko, kung saan ako pwedeng mag-practice..mga ganyan, tapos siguradong sila Ryujin at Ning na naman ang mag-aayos ng kakantahin ko. Sobrang thankful talaga ako sa mga bruhang yun.

Nalaman agad nila Ning yung tungkol sa pagkanta ko, kasi nga umiikot yung jeep ng baranggay hall. Nagulat nalang kami ng nasa tapat na ng gate nila Gi yung dalawa. Si Ryujin may hawak pang sandok..tawang tawa talaga kami sa kanya. Halatang iniwan nya yung niluluto nya para lang kompirmahin kung totoo ba raw yung pinagsasabi ng bruhang si Bernadette.

Sobrang saya ng dalawa. Si Ning inako na agad yung pagtulong sa'kin sa gagawin kong pag practice. Choir member kasi yang bruha at suki ng mga singing contest. Si Ryujin naman, tulad ng dati sya raw bahala sa arrangement ng kakantanhin ko. Super talented kasi yan pagdating sa mga ganyang bagay.

Dami ko ng hanash. Sobrang natutuwa lang kasi ako.

Kagabi ko pa ni-ready mga dadalhin ko.

Si Mama nga muntik pa akong sugurin sa kwarto kasi ang ingay ingay ko raw. Nag-aayos lang naman ako ng mga dadalhin ko.

Time check

Hala sya

9 am na! Kailangan ko ng mag-ayos!

----

"WINTEEER!"

Grabe ha

Parang di sila excited.

Kanina pa sumisigaw mga bruha sa baba.

"Pababa na!" sigaw ko mula sa bintana ng kwarto ko.

Okay

Check ulit natin si self.

Pak na pak na tong pormahan ko papuntang paradise beach.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto naabutan ko pa si Mamang nag-aayos ng sala.

"Alis na ako Ma!" paalam ko habang bumababa ng hagdan. Dinig ko pa yung paalala ni Mamang mag-ingat raw ako.

"Hi everyone!" masigla kong bati sa kanila habang ibinabalandra yung suot kong yellow floral top at shorts.

Oh ha!

Gulat na gulat mga bruha.

Kalma gurls, ako lang to.

"Winter!"

"Gi, i know..i know--aray ko!" hinampas ba naman braso ko.

"Gaga! Wala pa akong sinasabi..anyways ang ganda ganda mo ngayon gurl!" tuwang tuwa si Gi.

"Di ako na-inform na may pa ganyan ka pala." bitter naman itong si Ning.

"Mukhang kailangan nating bantayan si Winter mamaya."

"Don't worry Ryu, I'm here naman, I'll make sure na walang magtatangka." napatingin naman ako sa nagsalitang si Karina.

Woah woah!

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now