Yoon

3.4K 129 22
                                    


"Ba't naman ngayon pa uulan? Kakasampay ko lang eh."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagbabasa. Sobrang daming ibinigay ni Karina sa'kin. Dapat raw ay matapos ko itong aralin bago ang another tutor session na naman namin mamaya.

Akmang tatayo na si Mama ng mag volunteer akong ako na ang kukuha ng mga sinampay nya.

Nagpasalamat naman sya at bumalik na ulit sa panunuod. Binabalikan na naman nya yung isa sa paborito nyang kdrama. Her all time favorite Secret garden.

Nagmadali akong lumabas bago pa lumakas ang ulan dapat ay makuha ko na yung mga sinampay.

Lakas naman kasi ng trip ni Mama. Ngayon nya pa talaga naisipang ilagay ang sampayan sa bungad ng aming bahay.

Pakanta-kantang kinukuha ko na yung mga sinampay.

"Heto akoooo basang basa sa ulan~"

Ano ba itong nahablot ko?

Bra yata ito ni Mama.

"Walang masisilungan
Walang malalapitan~"

Mukhang marami-rami yata itong sinampay ni Mama.

"Sana may luha p---"

Uy si Jowa.

Sisigaw na sana ako ng mapansin kong hawak nya yung cellphone nya malapit sa tenga nya.

May kausap yata sya.

Grabe ang ganda ganda talaga ng jowa ko. Parang model lang.

Kalimutan na muna natin itong mga sinampay at ulan.

Pansin kong maya't maya ang pagkunot ng noo ni Karina at mukhang sinisigawan pa yung kausap nya sa phone.

Okay lang kaya sya?

Patuloy ko lang syang pinagmasdan.

Maya-maya pa ay umatras na sya at di ko na nakita ulit sa may bintana.

Sino kaya yung kausap nya at ganun nalang sya ka-stress?

"Winter bilisan mo na. Lalakas na yung ulan!"

Jusko yung sinampay!

___________________


Alas dos na wala parin sya.

Puntahan ko na kaya?

Sinilip ko yung bintana ni Gi. Nakasara parin ito simula kanina.

Ang lakas kasi ng ulan.

Isasara ko na sana yung kurtina ng biglang lumabas ng gate nila Gi si Lia..kasama si Karina.

Nagmamadali silang pumasok sa loob ng sasakyan ni Karina.

Anong meron?

Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Karina.

Naka-ilang ring na pero di nya parin sinasagot.

Nagsimula ng umandar yung kotse nya. Tinigil ko na yung pagtawag at nagsimulang magtype.

Napabuntong hininga nalang ako ng unti-unti ng nawawala sa panigin ko ang sasakyan ni Karina.

Nakasimangot na umupo ako sa higaan ko.

Saan naman kaya sila pupunta?

Sa totoo lang gusto ko sanang pag-usapan namin ni Karina ang mga bagay-bagay. Kagaya nalang nito, yung aalis sya ng bigla bigla tapos di ko man lang alam kung saan sa papunta. Gusto ko lang kasi kahit papano may alam ako.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now