Key chain

4.7K 169 159
                                    

Tahimik lang akong nakamasid sa bawat punong dinaraanan namin. Hindi ko alam kong ano ang trip ni Karina o kung san nya ako balak dalhin. Wala rin naman akong lakas para makipag-talo o mang-usisa pa..masyadong maraming karga ang utak ko ngayon at ayoko ng idagdag pa itong si Karina.

Bago ko ma block yung number nya..na inabot pa talaga ako ng isang araw kaka-decide at nakatikim pa ng malutong na mura galing sa barkada. Nag-text kasi sya kung pwede ba kaming mag-usap. Pagkatapos ko yong mabasa halos yun nalang naging laman ng utak ko. Hindi rin ako maka-focus kanina sa practice kasi nga binabagabag ako nung message nya. Di ko pa ito nasasabi kila Gi, baka kasi makatanggap lang ako ng sandamakmak na salita. Pinag-iisipan ko rin kasi sya.

Kaya ko bang makipag-usap ka kanya? Kaya ko na nga ba syang makita?

Nalulunod ako sa mga iniisip ko at parang ang hirap maka-ahon.

Napukaw naman ang atensyon ko ng mapansing parang palabas na ng lugar namin yung tinatahak ni Karina.

Nilingon ko ito "San mo ba balak pumunta?" tanong ko.

Sandali nya akong nilingon "Sa lugar kong san ka pwedeng sumaya?" di nya siguradong sagot.

Napataas kilay ko sa sinabi nya.

"A-ano..i just sense kasi na parang sobrang stressed ka kaya naisip kong dalhin ka muna somewhere na pwede kang..s-sumaya." nabalik naman ulit ang tingin ko sa labas ng sasakyan dahil sa nahihiyang pag-amin nya.

Ba't ba ang lakas ng epekto mo sa'kin Karina?

"Aksidenteng nadaanan ko lang yung place on my way papunta sainyo, it looks abandoned pero sobrang ganda at calm ng lugar." dagdag nya pa.

Parang gusto nyang masigurado na matutuwa ako sa makikita ko at kahit papano mabawasan kung ano man tong dinaramdam ko.

Karina, ba't ka ganyan?

"Winter, sana wag mong isiping nagiging pake-alamera ako or whatsoever..i just want you t-to..a-ano--"

"Ba't ko naman iisipin yan?"

"N-naisip ko lang kasi na baka lumabas na parang--"

"Karina.." muli kong pagputol sa kung ano mang sasabihin nya "Ano ka ba? Hindi naman sumagi sa isip ko ang ganyan. Ang naiisip ko nga baka naabala kita kasi n-nag-aalala ka sa'kin."

Mariin syang umiling "No, kahit kailan di ka magiging abala sa akin Winter."

Buti nalang talaga at nakatingin sya sa daan dahil parang nakakahiya kapag nakita nya kung gaano ako namumula ngayon dahil sa sinabi nya.

"T-thank you kung ganuon." tangi ko nalang nasabi bago bumalik ulit sa pagtingin sa mga dinaraanan naming mga puno.

Karina yung puso ko.

----

Totoo nga ang sinabi ni Karina. Abandonado na ang lugar pero sobrang ganda.

Napatingin ako sa dagat na nasa ibaba. Malalakas na hampas ng alon ang tanging maririnig mo mula rito.

Naupo ako at tahimik na pinagmasdan ang nalalapit na paglubog ng araw.

"You shouldn't sit here, mas safe if medyo malayo tayo sa cliff." nag-aalalang sabi ni Karina.

Sumilip naman ulit ako sa ibaba at muntik na akong mabalian ng leeg sa bilis at lakas ng paghila ni Karina sa kwelyo ng suot kong plaid polo.

"Winter!"

Natawa ako sa reaksyon ni Karina. Para namang mahuhulog ako sa simpleng pagtingin lang sa ibaba.

"Relax Karina, di naman ako mahuhulog." sinamaan nya ako ng tingin.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now