Aray ko po, nahulog!

6.1K 267 269
                                    


Shemay

Di ko alam ba't ako napunta sa gantong sitwasyon.

Naka-upo lang naman kaming lahat dito sa sala nila Gi.

Sina Ning at Ryu feeling ko masisira na leeg kaka-lipat ng tingin sa dalawang nagsasalita. Si Gi naman kanina pa naka-bukas yung bibig, anytime papasukan na yan ng langaw.

Ako naman nasa gitna ng dalawang balikbayang to.

Kaninang umaga dumating itong si Lia. Maaga itong sinundo ni Karina sa syudad, excited pa nga sya..pero ngayon di ko sure..para kasing gusto nya na agad itong pabalikin ng America.

Ayun nga, tulad ng nangyari kay Karina, kumpulan ulit mga tao sa bahay nila Gi. Medyo hirap nga kaming makadaan kanina, pano ba naman itong si Bonita Rose naisipan ring maki-chismis tapos malapit sa gate pa talaga nila Gi sya pumwesto eh, ang laki-laki nyang tao.

Pagkapasok namin nila Ning naabutan namin yung tatlo na nag-uusap sa sala.

Pagka-upong pagka-upo palang namin ipinakilala agad kami ni Karina.

At grabe lang ha

Yung Lia

Sobrang ganda!

Juskodai para kang nakakita ng anghel.

Okay naman yung usapan nung una tawanan pa nga kami kasi si Ryu at Ning kung ano-ano tinatanong kay Lia.

"Sa tingin mo kung pupunta rin si Gi sa America magiging katulad nyo rin sya kaganda?" jusko muntik ng mahampas ng vase ni Gi si Ryujin ng itanong nya yan.

"Nakaka-puti ba ng ganyan hangin sa America?" natawa talaga si Lia sa tanong ni Ning.

Ganyan lang naman usapan kanina. Pero ba't ngayon..

"I thought sa kwento lang ni Rina cute si Winter, didn't know na she's this cute pala in person." naka ngiting sabi ni Lia.

Kanina pa ako laman ng bibig ni Lia. Mukhang tuwang-tuwa talaga sya sa'kin. Hiyang-hiya nga ako sa nangyari kanina pero sya mukhang enjoy na enjoy pa. Umiral na naman kasi kanina katangahan ko.

"Your name is Winter? As in yung season?"

"Ah..no, not t-the seasoning, Winter..yung taglamig."

Hiya talaga ako sa sagot ko. Bigla kasing nag shut down utak ko sa ganda ng ka-friendship ni Karina. Parang gusto kong magpalamon sa alagang isda nila Gi ng mga oras na yun. Kala ko kasi yung season na sinasabi nya ay yung pampalasa. Kakahiya talaga.

Simula kanina nasa akin na atensyon nitong si Lia.

"Yeah, she's super cute." pulang pula na yata ako. Si Rina kasi sumasabay pa sa trip ni Lia.

Ano ba kayo guys..ako lang to.

"Ngayon palang excited na ako to spend time with her during my vacation here."

"I'm sorry to burst that excitement of yours Li, but Winter will be with me during this summer."

"That's so selfish Ri, we could share."

"You know I don't share Li.."

Titigan na yung dalawa. Ginawa naman nila akong gamit. Feeling ko para akong suklay na napulot ni Rina tapos ayaw nya akong ipahiram sa friend nyang si Lia na nagmamaka-awang maki-suklay.

"Well see about that Ri." sabi ni Lia. Tumingin pa sya sa'kin tapos ayan na naman yung ngiti nyang sobrang ganda. Kainggit.

Nag smile rin ako sa kanya kaya lang napansin ko yung nakakatakot na tingin ni Karina kaya napainom nalang ako ng hawak kong juice.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now