Special Chapter

5K 147 63
                                    



"Alam mo Winter? Umalis ka dyan sa harap mga pagkain at baka tumabang yang salad ko." pagtataboy sa'kin ni Mama.

Tinignan ko lang sya ng nakasimangot bago tumayo. Naglakad nalang ako palapit sa hagdan at doon umupo.

"Ma naman kasi!" inis na sigaw ko.

"Ba't nyo inimbitahan si Karina na dito mag noche buena?!"

Ayoko ko syang makita.

"Syempre girlpren mo yun. First time nya ditong magpasko, aba eh dapat lang na dito sya mag noche buena." nakahawak pa sa bewang nya si Mama habang sinasabi ang mga yan.

Ah, basta!

Sa kwarto nalang ako kakain mamaya. Ayoko syang makaharap. Galit parin ako sa kanya.

"Wag mong ibandera naka busangot mong mukha dyan. Baka pag nakita ka ni Karina mawalan yun ng gana."

Inirapan ko si Mama tas padabog na naglakad ako patungong kwarto.

"Matutulog ako. Wag nyo na akong gisingin. Kayo nalang kumain kasama ng bago nyong anak." mapaklang sabi ko bago isara yung pinto ng kwarto ko.

Nagsisigaw si Mama ng kung ano-ano pero I don't care.

Wala ako sa mood. Kasalanan to ni Karina.

As if pupunta talaga yun dito mamaya. Noong isang araw pa kami magka-away.

Naiinis ako kasi natiis nya talaga ako ng dalawang araw!

Two days.

At talagang pinaabot nya ng pasko yung inis ko.

Ano?! Gusto nya rin paabutin ng bagong taon slash birthday ko?!

Naiinis talaga ako!!!









Proud ako sa sarili ko kasi nabilang ko na yung mga alikabok sa kisame.

Alas onse na rin ng gabi.

Hindi lang talaga ako makatulog. Hindi ko inaabangan si Karina ah! Hindi talaga.

Ba't ko naman aabangan yun? Ayoko nga makita.

"..Karina iha!"

Napantig bigla ang tenga ko sa narinig.

Napatayo ako mula sa kama at lumapit sa may pinto. Idinikit ko yung tenga ko dito.

"Karina nag-abala ka pa ng regalo!" kahit di ko makita mukha ni Mama obvious na malapad ang ngiti nito sa tono ng boses nya.

"Maliit na bagay lang po yan tita. Where's Winter po pala?"

"Ayon sa kwarto nya nagda-drama! Ewan ko ba sa batang yan. Pag-pasensyahan mo nalang Karina kung matampuhin yan, siguro ay nakaligtaan ko lang at nakulangan yan sa bakuna."

Napakuyom ako ng aking mga palad.

Si Mama talaga! Hindi man lang ako kayang pagsalitaan ng maganda sa harap ni Karina.

"Sige po tita puntahan ko lang po si Winter sa loob."

Nataranta naman agad ako sa sinabi ni Karina kaya napatalon ako agad sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot.

Kunwari tulog ako.

Mariin akong nakapikit sa ilalim ng kumot ko. Narinig ko na yung pagbukas ng pinto.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na yung presence nya sa tabi ko. Naka-upo yata sya.

Naka-upo lang talaga sya at di nagsasalita.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now