Why now?

3.3K 127 45
                                    


As much as possible gusto ko syang iwasan. Gusto ko sana kahit papano ay di kami magkita sinadya o di sinadya ayokong mag krus ang landas naming dalawa.

Minsan ay napapansin kong nakatingin sya sa bintana ko tulad ng ginagawa nya noon kaya minabuti kong isarado nalang yung bintana.

Minsan naman ay nakikita ko syang parang inaabangan ako sa labas ng bahay kaya kahit gustong-gusto ko ng lumabas pinipilit ko nalang na mag stay sa loob.

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ba't ako yung umiiwas? Diba dapat sya?

Ay ewan!

Kaya nga ayoko syang makita kasi nga naco-confuse ako lagi.

Ano ba naman to? Ngayong gabi nalang nga ako nagkaroon ng chance na makalabas ng bahay dalawang araw matapos akong magkulong maka-iwas lang sa kanya, tapos wala man lang masarap na barbeque sa plaza.

Siguro ay sumuko na sya kakaintay sa'kin lagi sa labas ng bahay. Mabuti naman. Bukas pala kailangan na naming mag-practice para dun sa fundraising event ng banda.

Sigh.

Paubos na itong soft drink na nabili ko wala parin yata ako sa wisyo.

Parang lutang ako lagi.

"Is is too late now to say I'm sorry!"

Natigil naman ako at sandaling napatingin sa gilid ng kalsada kung saan may naka pwestong nag-iinuman.

Napatingin ako dun sa babaeng nakatayo sa gilid ng mesa hawak-hawak yung mic.

"Cause I missing more than just your body!"

Grabe naman si ate makasigaw dun sa mic. Yung mga kainuman nyang mga nanay panay cheer sa kanya kahit na minurder nya na yung kanta ni justin bieber.

Tinignan ko ulit ng mabuti si ateng nakanta. Lasing na lasing na yata. Parang inuuntog nya na yung noo nya sa mic.

Somehow parang familiar sya.

"Yeah I know that I let you down..
Is it too late to say I'M SORRY NOW!"

Sinong nag-paiyak dyan?

"Winter...I'm sorry.."

Kaagad akong napahinto ng marinig ko ang pangalan ko.

Don't tell me...si Kar--

"I'm sorry! I'm sorry.."

Sya nga!

Dinig na dinig ko yung garalgal nyang boses.

Pano sya napunta dyan sa mga nag-iinuman?

Asan si Gi? Ba't hinayaan lang ang pinsan nyang maglasing dito sa kanto?

Ba't ba ako natataranta? Pake ko naman sa kanya diba?

"Is it too late now to say sorry.."

Ignore lang Winter.

Wala tayong pake sa kanya.

Tama lakad lang.

Bwisit naman oh!

"Tama na yan."

Hinawakan ko yung magkabilang braso nya at marahang iniharap sya sa'kin.

Grabe wasak na wasak.

Kailan pa naging lasinggera to?

"W-who are y-you ba?"

Grabe kahit lasing conyo parin.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now