MO

3.8K 143 28
                                    


This is it.

Ngayong araw gaganapin ang entrance exam. Napag-usapan na naming sabay-sabay kaming pupunta. Kasi naman ang aking ever supportive jowa nag volunteer na ihatid kami. Kesa naman raw mahirapan kami at gumastos pa.

Paulit-ulit kong chineck kanina mga gamit ko. Baka kasi may makalimutan ako, mahirap na.

"Ehem!"

Nilingon ko ang katabi kong si Ningning. Ano naman kaya kailangan nito?

Nakatayo lang kami ngayon sa labas ng bahay nila Gi. Inaantay namin yung mag pinsan na bumaba.

"Baka naman pwedeng magkwento dyan."

Kita mo to.

Aga-aga chismis agad ang hanap.

Inilabas ko nalang ulit yung notes na sinulat mismo ni Karina. Dinedma ko nalang si Ning. Mas mabuti pang mag-review nalang ulit ako.

"Dedma ang peg."

Lumayo sya sa'kin ng konti at si Ryujin naman ang napiling guluhin.

"Ikaw ha!" naka ngising sabi nya. Pabirong binangga nya pa yung braso ni Ryu.

"A-anong ako?" natatarantang sagot ni Ryu.

Di sya sinagot ni Ning. Ngiti-ngiting bumalik lang ito malapit sa pwesto ko.

Anong meron?

Ibinaba ko yung hawak kong notebook at lumapit kay Ning.

"Ano meron?" curious na tanong ko.

Sinipat nya naman ako ng tingin.

"Uy, curious sya." nang-aasar na sagot nya.

Ang ewan talaga ng bruhang to. Minsan nalang nga ako makichismis tapos ganyan pa sya.

"Let's go?"

Sabay sabay naman kaming lumingon sa nagsalitang si Karina. Kasabay nya sina Gi at Lia.

"Hey.."

Tinignan ko ng maigi si jowa.

Grabe lang.

Ang ganda ganda nya yata ngayon.

Naka simple beige shirt, jeans at sneakers lang naman sya pero ba't ang ganda ganda nya parin?

"Done checking me out?" naka ngising tanong nya.

Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Oy! Wala munang landian kailangan na nating umalis." singit ni Gi na nagmamadaling binuksan yung pinto sa likod ng kotse ni Karina.

Hinila na ako ni Karina papuntang passenger seat.

"Kaya ko namang buksan yung pinto eh." sabi ko nung pagbuksan nya ako ng pinto.

Mabilis na hinalikan nya ako sa pisngi at ngiti-ngiting naglakad para buksan yung pinto sa drivers seat.

"Let's go!"

__________________

Sobrang daming tao.

Yung ibang mage-exam dala pa yata yung mga parents nila. May iba namang sinamahan lang ng mga kaibigan nila.

Education department room #2B yan yung assigned room namin kung saan kami mage-exam.

"Nervous?"

Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko kay Karina.

Inabot nya ang kamay ko at hinawakan ito. Kumalma naman ako kahit papano.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now