Addicted

3.7K 129 54
                                    


Pagka-gising ko kaninang umaga ay wala na si Mama sa bahay naabutan ko nalang si Karina na naka-upo sa maliit naming mesa.

Tinanong ko kung nasaan si Mama ang sabi nya ay di nya rin raw alam. Pagkarating nya raw dito ay paalis na si Mama. Ibinilin nalang raw nito ako sa kanya at yung umagahang nakahain sa mesa. May kikitain lang raw ito at baka hapon na nakabalik, yan ang bilin nya sa aking jowa.

Sino naman ang kikitain ni Mama at san sya pumunta?

"Hey, you okay?"

Nakangiting tumango ako sa kanya.

Naka-upo lang kami ngayon dito sa loob ng kwarto ko. Nasa may maliit na upuan sya ng study table ko at ako naman ay nasa kama ko. Sinabi ko sa kanya na bumalik na muna sya kila Gi pero nagpumilit parin syang samahan nalang ako rito sa bahay.

"Baka bored ka na? Gusto mo na bang bumalik muna kila Gi?"

Tumayo sya mula sa kina-uupuan nya at naglakad palapit sa'kin.

"Parang ayaw mo talagang nandito ako. Kanina mo pa ako pinapa-alis."

Kaagad akong umiling.

"Hindi ah! Baka lang naman kasi naiinip ka na I naiinitan? O kaya naman nababagot? Ganun yun Karina." pagpapaliwanag ko.

Umangat naman ang tingin nya sa luma naming kisame at parang nag-iisip.

"You know," pagsisimula nya habang pinapatong yung mga kamay nya sa balikat ko.

"May alam akong pwede nating gawin." nakangiting sabi nya.

Na curious naman ako bigla sa naiisip nya.

"Ano naman?" nakatingala lang ako sa kanya.

Unti-unti naman syang yumuko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Napalunok naman ako.

"We could just kiss and make out."

Nanlaki naman ng bongga mga mata ko sa sinabi nya.

Kiss and make out?!

Sigurado ba sya?!

Natataranta na ako ng sobra dahil sa sinabi nya.

Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na tawa nya.

"Babe, y-you should have seen your face.." sabi nya sa pagitan ng pagtawa.

Napasimangot naman ako.

Ginu-good time nya lang pala ako. Akala ko kung ano na. Kinabahan ako ng wala sa oras.

"Karina naman eh!" sigaw ko kasi di parin sya natigil sa pagtawa. Mahinang hinahampas ko rin yung braso nya.

"Okay, I'm sorry." natatawa parin sya.

Sa wakas ay tumigil na rin sya sa pagtawa.

Kontentong nakatitig lang ako sa kanya. Unti-unti namang lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Maya-maya pa ay hinahalikan nya na ako.

Hindi naman ako nag-inarte pa. Hinalikan ko na rin sya.

Ba't parang ang intense yata ng paghalik ngayon ni jowa?

Naramdaman ko ang unti-unting paglalim ng halik ni Karina. Nakayuko na sya ng tuluyan. Nakaalalay ay isang kamay nya sa batok ko.

Sandali kaming naghiwalay.

Kinapos na talaga ako ng hangin.

Nakahawak parin ang kamay nya sa may bandang tenga ko at marahang hinahaplos ito.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now