The Call

4.5K 152 117
                                    


Mauubos ko na yung tubig sa harap ko.

Grabe namang kaba to.

Ba't parang may ginawa akong hindi maganda? Grabeng makatingin kasi itong mga kasama ko..lalo na itong tatlong nakapalibot sa'kin dito sa mesa.

Si Gi parang gusto yata akong kalbuhin.

"Uhm..guys may nagawa ba akong kasala--"

"Meron."

"Napaka-laking kasalanan."

"Ano sa tingin mo?"

Okay, inom ulit tubig.

Sabay sabay pa talaga silang tatlo sumagot.

Napahawak sa kanyang sintido si Gi.

May nagawa ba akong kagagahan ng malasing ako? Wala akong matandaan pagakatapos nung pagbagsak ni Ate Chewy sa counter ng bar.

"Winter may problema ka ba?" napalitan na ng pag-aalala ang mga mata nila.

"Ba't mo naisipang maglasing kagabi? May hindi ba kami nalalaman?"

"Guys wala nam--"

"Winter last na nag-ganyan ka dahil sa ugok na yun. Sabihin mo, dahil na naman ba sa kanya kaya ka naglasing kagabi?"

"Ryujin hindi naman da--"

"Winter alam mo bang sobrang nag-alala kami kagabi? Isang beses lang kita nakitang naglasing at dahil lang sa bigat ng problema mo..sabihin mo may pinag-daraanan ka bang di namin alam?"

"Guys wala nga. Napainom lang ako kasi--"

"Winter pwede mo naman kaming kausapin--"

"Pwede bang patapusin nyo muna ako!" di ko na napigilang mapagtaasan sila ng boses. Di kasi ako hinahayaang makapag-salita eh.

Ayan, kaya naman pala nilang manahimik eh.

"Ganito kasi yun.." pagsisimula ko. Uminom muna ulit akong tubig "bigla nalang kasi akong napadpad sa mini bar kagabi, isang beer lang naman talaga plano kong inumin kaya lang lumapit sa'kin itong si ate ganda.."

Speaking of Ate Chewy. Kamusta kaya sya? Di ko na kasi matandaan ibang nangyari kagabi.

"Ate ganda?" taas kilay talagang tanong ni Ning.

"Oo, sya yung nakasama ko kagabi. Masyado kasi syang napa-kwento tapos nadala ako kaya parang tuloy tuloy na yung pag-inom ko ng di ko namamalayan."

"So wala kang problema?" grabe talaga itong si Gi. Kapag uminom may problema agad?

"Wala nga Gi.." bigla nalang natagpuan ng mata ko yung mata ni Karina na tahimik lang na nakatingin sa'kin.

Kailangan ko ulit ng tubig.

"May nagawa ba akong kakaiba kagabi?" curios kung tanong.

Pansin ko naman ang tinginan nilang tatlo tapos yung pasimple nilang pagtingin kay Karina.

Kinabahan ako bigla.

"Wala kang maalala?"

Agad akong napailing.

"Wala ka namang kakaibang ginawa, diba Rina?"

Ba't si Karina tinatanong nitong si Gi?

"Wala naman." maikling sagot ni Karina.

Ewan ko ba pero parang may something sa tingin nya ngayon. Sa aura nya. Sobrang kakaiba. Wala nga bang nangyari kagabi?

"Sino pala sumundo sa'kin kagabi?"

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now