Hooked

3.9K 153 147
                                    


Nakadalawang baso na yata ako ng tubig pero nanunuyo parin lalamunan ko.

Akala ko ba si ate Irene lang kasama naming kumain? Ba't nandito rin si future mother, I mean Mama ni Karina?!

Kanina pa ako tahimik. Parang yung nice to meet you po lang yata lumabas sa bibig ko simula kanina.

"Winter, you don't like the food?" Tarantang napaangat naman ang tingin ko kay ate Irene.

Mabilis akong umuling at napayuko ulit. Gusto kong iwasan yung tingin ng Mama ni Karina na sobrang nakatitig sa'kin kanina pa.

Katulad ko ay di rin ito nagsasalita at busy lang sa pagtitig sa'kin at sa pagkain nya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Karina sa kamay ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya.

Binigyan nya ako ng isang reassuring smile.

"Don't be nervous, ganyan lang talaga si Mom." Bulong nya sa'kin.

Marahang napatango nalang ako at sinimulan ng pagtuunan itong steak na inorder ni ate Irene sa sikat na restaurant dito sa centro.

"So.."

Biglang tigil naman ako sa pagslice nitong steak ng biglang tumikhim at magsalita ang Mama ni Karina.

"Kailan mo balak hiwalayan ang anak ko?"

Napabitiw ako bigla sa hawak kong kubyertos.

"Mom?!"

"Magkano kailangan mo? Walang problema sa'kin ang presyo." Seryosong saad nito.

"Mom!" Malakas na sigaw ni Karina.

Parang tumigil yata sa pag function buong sestema ko.

Ang hirap bigla huminga.

Nag-iinit na rin ang mga mata ko.

"Oh, my god! I'm sorry iha." Naramdaman ko nalang ang marahang pagdampi ng tissue sa mga pisngi ko.

Umiiyak na pala ako.

"You made her cry Mom, I hate you."

"I'm sorry my daughter, matagal ko na kasing gustong gawin yun. Napasobra ata."

Humihikbing napatingin ako sa kanila habang hawak yung tissue na inabot ni Karina kanina.

"I'm sorry Winter. Gusto ko lang talaga sanang i-prank kayo, mukhang nasobrahan."

It's a prank lang yun?

Prank prank ganun?

Prankster ka future mother?

Yung mga luha ko parang umurong bigla.

"You know naman na sobrang nakakatakot ka kapag seryoso." Natatawang sabi ni ate Irene.

"I'm so sorry talaga Winter. First kita palang natin tapos bad impression agad nabigay ko." Malungkot na sabi ni future mother.

Umiling naman ako.

"N-nabigla lang po ako. Pero di po ibig sabihin nun ay masama na ho yung tingin ko sainyo."

Agad namang napangiti Mama ni Karina.

"Now I know kung bakit ikaw ang gusto ng anak ko." May matamis itong ngiti sa kanyang mga labi ng tinignan nya si Karina.

"Ang galing mong pumili Rina." Kumindat pa ito kay Karina.

Umikot naman ang mga mata ni Karina.

"Di parin makakaligtas sa akin pagpapa-iyak mo sa girlfriend ko Mom." Mahinang pinalo ko naman ang kamay ni Karina.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now