Girlfriend

4.5K 153 108
                                    


Nakakapagod palang umiyak?

Ramdam na ramdam ko na ng katawan ko yung pagod, parang anytime eh makakatulog na ako dito.

Alam kong nag-aalala na sila, pati sila Karina nadamay pa.

"S-sorry, naabala ko pa kayo." parang mapapaos rin yata ako. Halos di ko na makilala boses ko.

"Diba sinabi ko na sayo na kahit kailan hindi ka magiging abala sa akin." nahiya naman ako dun.

"You feel better na ba?" tumango ako.

Nakakagaan rin ng pakiramdam na nailabas ko lahat ngayon.

"Winter?" napatingin naman ako sa kanya.

Nag-aalangan sya, kitang kita ko sa mukha nya. May gusto yata syang sabihin pero itinikom nya nalang ang bibig nya.

Alam ko namang may gusto lang syang malaman. Total ay nailuha ko na naman lahat, wala na sa akin kung may itanong man sya.

"May gusto kang malaman?" ako na mismo ang naglakas ng loob.

Nahihiyang umiwas sya ng tingin pero sumagot parin sya ng mahinang oo.

"Ano bang gusto mong malaman?"

Nagawa nya na akong titigan.

"Sino yung lalake earlier?"

Sandaling natahimik ako. Ipinatong ko ang baba ko sa aking mga tuhod at malayang pinaglaruan ang mga maliliit na bato sa paanan ko.

"Si Jake..ex ko."

Sa totoo lang wala naman na sa akin ang nangyari saming dalawa. Siguro ay dahil naliwanangan na ako kahapon at nakapag-isip isip na rin. Wala na rin yung sakit ng makita ko sya kanina..naalala ko lang talaga si Papa kaya ako naging emosyonal kanina. Parang bumalik kasi lahat ng ala-ala ni Papa ng makita ko si Jake kanina.

"Grade 9 ng maging kami ni Jake.." pagsisimula ko.

Di namin pinag-uusapan o kahit binabanggit man lang pangalan ni Jake. Pero ewan ko ba, parang ang dali lang sa'kin na magsalita kay Karina. Parang okay lang na magkwento ako sa kanya, ang weird nga eh. Kakakilala lang namin pero parang ang gaan laging magkwento sa kanya.

"Katulad sya ni Papa. Mabait, matalino, masipag..masaya ako sa kanya. Tumagal naman kami," sandaling natigil ako sa pagalalaro ng mga maliliit na batong nasa paanan ko. Tinignan ko si Karina.

"Kapag ba wala na yung spark na sinasabi nila sa relasyon nyo..sapat na ba yun para mang-iwan ang isa sainyo?"

"No." pilit akong ngumiti sa naging sagot nya.

"Siguro dahil masyado pa kaming mga bata kaya natural lang na maging ganun si Jake. Nagkalabuan kaming dalawa, madalas mag-away..sa isang iglap parang ibang Jake na yung nakakasama ko." mapait akong napangiti "naging okay naman ulit kami, kaya lang biglang nagkasakit si Papa..nawalan na ako ng oras sa kanya pero di naman naging big deal yun sa kanya, akala ko lang pala."

Natigil ang kamay ko sa isang bato at humigpit ang hawak ko dito.

"Kailangan namin ng malaking pera para sa operasyon ni Papa. Saktong nagkaroon ng pa contest ang Centro at ang judge ay ang paborito naming banda. Kinumbinsi ako nila Gi, malaking pera rin kasi ang premyo sapat na para sa operasyon ni Papa. Kulang na kulang talaga kami sa pera noon."

"Tinulungan naman nya ako. Nagvolunteer pa sya para sa performance ko. Kaya lang bago pa man ang naturang contest nag-away na naman ulit kami. Akala nya raw kapag tinulungan nya ako kahit papano ay magkakaroon ako ng kahit konting oras para sa kanya. Anong magagawa ko? Mas kailangan ako ni Papa, alangan namang sya ang unahin ko. Akala ko okay na kami pagakatapos naming mag-usap, akala ko naintindihan nya na."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now