Kabuuan

126 16 2
                                    

Nag-uumpisang muli

matapos tumakbo papalayo

sa isang hating imahe.


Ang kalahati ay bigay nang bigay.

Ang kalahati ay tanggap nang tanggap.


Nakapapagod na ang aking kabuuan

ay magkasalungat at di kailanman

magtatagpo.


Kaya't pinili kong umalis

para hanapin kung nasaan ang katamtaman.

Ang sapat. Ang buo.


Tatanawin kong utang na loob

ang pagsipot mo sa aking buhay

sa tamang oras at panahon

kung kailan pinababalutan

ako ng dilim.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now