Bida

22 3 0
                                    

Nang sinabi mo ay pupunta ka sa iyong probinsiya, wala akong alinlangang naniwala at nanalangin na huwag kang mapahamak. Ano ba naman ang isang karaniwang araw kasama ako kumpara sa kaarawan ng iyong ina?

Ngunit oras pagkatapos nang biglang nakarinig ako ng karwahe kasabay ng iyong boses: "Maria, tumingin ka sa bintana."

Agad-agad akong bumaba upang ika'y salubungin, nanabik na ika'y makita, nagtataka kung bakit ka nasa tapat ng aming bahay. Sa sobrang pananabik, nakaligtaan ko nang may hidwaan kami ng aking ama at ika'y napakilala. Iyong ipinaliwanag na hindi kaya ng iyong karwahe sa ngayon ang sampung oras na biyahe, kaya't sinabi mo na lamang na sa susunod na lamang na pagkakataon kung kailan ika'y mas handa.

Alam mong ako'y isang manunulat. Bilang ko na ang kilos ng bawat tao. Maski sa mga dati kong mangingibig, bawat galaw nila'y akin nang inaasahan.

Akala ko'y hindi na ako masosorpresa, ngunit ika'y dumating sa aking buhay. At sa unang pagkakataon—hindi ako nagsisinungaling upang mapagaan lamang ang iyong pakiramdam—ako'y nagulat. Pupuwede pa palang masorpresa ang mga manunulat gaya ko?

Maligaya ako. Higit pa sa masaya.

Hindi ako makapaniwala na ang dating sinusulat at iniisip ko lamang ay nagiging bahagi na ng aking buhay.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now