Oras

48 5 0
                                    

Kailan nga ba ako huling nagsulat ng tula para sa iyo? Hindi ko na matandaan.

Nakampante na ako dahil paulit-ulit mong sinasabi na ako ay iyong mahal kahit na hindi ko ito masabi pabalik.

Napapatanong ako kung hanggang kailan mo matitiis ang hindi ko pagsabi na ika'y tinatangi, natatakot na magkatotoo ang kuwentong aking hinuhulma.

Isang taon na yata.

Isang taon na yata simula nang una tayong nag-usap at iyong sinabi na gusto mo akong makita.

Isang taon na yata simula nang nangako ako sa aking sarili na mananatili kang lihim, ang paksa ng aking mga tula, dahil nauunawaan ko na ang pakikipag-usap sa iyo ay maituturing na pagtataksil kahit na tayo lamang naman ang nagsasabi niyon.

Isang taon na nga ba? Hindi ko sigurado kung lumampas na o paparating pa lang.

Lumilipas ang oras na ika'y natitiyak sa iyong nararamdaman habang ako'y natatakot pa ring amininin ang aking pagtingin sa iyo.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now