Hinala

38 6 0
                                    

Hindi nagsisinungaling ang mga padron.

Sabi nila, madalas ay tama ang hinala ng isang dilag.

Ngunit anong karapatan kong itanong ito sa 'yo

kung sa una pa lang ay hindi naman tayo malinaw.

Ano nga ba tayo?

May iba ka bang pinadadalhan ng mga liham?


Dahil ba ito sa aking mapait na nakaraan

kaya ganito ang aking pag-iisip?

Hindi ko hiling ang aking nararamdaman.


Bakit hindi mo na lang sabihin

na madali kang nagsawa,

na may nakita kang iba?

Masasaktan ako, ngunit unti-unti akong babangon.

O hindi kaya'y gusto mong ako ang unang bumitaw

sa relasyong pareho nating hindi maintindihan

para sabihing malinis ka?


Ang layo na ng aking iniisip.

Ang lalim na ng aking iniisip.

Puro hinalang walang katuturan.

O wala nga ba?


Pagod na nga ba akong magtiwala?

Isara ko na kaya muli ang aking puso?


Ang minsa'y kaligayahan

ngayo'y dahilan na ng aking pagkabalisa.

Muli, hindi ko hiling ang aking nararamdaman.


Ngunit sa isang tawag mo lamang,

kahit papaano'y lumuwag ang paghinga.

O siguro'y tinago ko na lamang ang pagkabalisa

dahil alam ko namang hindi ka sigurado sa akin

kaya't hindi ko rinmagawang maging sigurado sa iyo.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now