Babala

85 7 0
                                    

Iyong tinanong kung bakit ako tahimik.


Nais ko sanang maghilom muna.

Ngunit sa takot na ikaw ay umalis,

kinimkim ko na lang,

nanahimik,

umaasang mabasa mo ang aking isip.


Gusto pa kitang kilalanin

dahil ang nakikita ko lamang sa ngayon ay isang pampang.

Kung malaman mong isa akong tubig sa may malalim na hukay sa dagat,

sisisirin mo ba ako?

O matatakot ka at lalangoy pabalik?


Kaya kung maaari,

ganito na lamang muna tayo.

At kung kailan handa na ako,

ako mismo ang aahon

papunta sa iyo.


Binabalaan nga lang kita

na malalaking alon

ang iyong masasalubong.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now