Pagkabalisa

31 5 1
                                    

Masama ba

nang ako'y napangiti

dahil hinanap mo ako

kahit ako'y mahimbing lamang na natutulog?


Sabi nila'y

Samot-saring eroplanong papel ang lumipad,

at tumunog ang iyong gitara nang pagkalakas-lakas.

Sinubukan mo na nga rin yatang dumungaw sa aking bintana.


At sa aking pagkagising,

napangiti ako sa aking nalaman.

Hinanap-hanap mo raw ako.

At sa ilang araw na ako'y balisa

tungkol sa namamagitan sa atin,

ako ay muling napangiti.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon