Pangamba

104 12 0
                                    

Duwag.

Iyan ang pagkakakilala ko sa 'yo.

Subalit kada hakbang, kada salita mo para sa akin . . .

Napagtanto kong ang pagkaduwag ng isang nilalang ay para sa mga bagay na hindi nila talaga nais.

Dahil kung tunay kang duwag . . .

bakit mo itinuloy ang tatlong salitang alam mong gigimbal sa kapayapaan nating dal'wa?


Gano'n mo ba ako kagusto? Nagugulumihanan ako.

Ang sabi mo ay hindi ka makikipaglaban dahil alam mo namang sila ang pipiliin ko.

Ngunit marami akong tinatago . . .

Tulad na lamang ng katotohanang pinipili kita.

At gusto kong maranasan mo ang piliin.

Gusto ko sanang ako iyon.


Ngunit naduduwag ako.

Paano kung hindi na natin ito naisin sa mga susunod na araw?

Kung ganoon ba ay hindi kita tunay na ninanais?


Gusto ko ng paglilinaw.

Ako'y nangangambang magbigay nang magbigay,

ngunit wala naman pala itong paroroonan.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now