Binhi

58 11 1
                                    

Nagsasayang lamang ba tayo ng oras?

Nais ko lamang malaman kung kasama ba ako sa iyong mga plano, iyong mga pangarap.


Kung hindi, iyo nang sabihin.

Kuntento naman ako na maging iyong panandalian, kung ito ang iyong nais.

Ngunit nararamdaman kong may unti-unting namumuong hardin sa aking kalooban.

Hindi ko dinidiligan, ngunit nararamdaman ko ang unos na paparating.

Madidiligan man, mawawasak din.


Kung sakali ba, ako ay iyong paninindigan?

O hahayaan mo lang masira ang mga bulaklak na tayo rin naman ang nagtanim?

Mali, hindi pala natin itinanim.

Hindi lang natin sinasadyang mahulog ang mga binhi nito habang tayo'y naglalaro.


Ayaw kong magpatali sa walang saysay na emosyon.

Ngunit natatakot rin naman ako magtanong at manghingi ng patunay na ako ay nais mo panghabambuhay.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaDär berättelser lever. Upptäck nu