Pag-unawa

41 3 0
                                    

"Iba ka sa kanila," bulong mo sa aking tainga habang ako'y yakap-yakap. "Ako'y iyong inaalagaan, at hindi mo ako sinusumbatan . . . sa ngayon."

Ako'y natawa kasabay ng paghalik sa iyong noo. "Hindi ka ba naniniwalang ito ang tunay kong pagkatao?" tanong ko.

"Nagbabago naman ang tao," iyong sagot. "Basta't sa ngayon, alam kong ikaw ay naiiba sa lahat ng aking minahal."

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa aking narinig. Binisita lamang kita't inalagaan nang ika'y may sakit.

Paano ka ba nila minahal upang pasalamatan mo ako sa mga mumunting bagay na dapat naman talaga ay bahagi ng isang pagsasama? Napakahirap bang ibigay ng pag-unawa sa iyo?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang