Lamat

13 2 0
                                    

Kumikirot ang aking dibdib.

Hindi ka akin, kaya bakit kita pipigilan? Nang makita ko ang liham ng isa pang babaeng mukhang kalagayan mo ng loob, bigla akong napaatras.

Nakitawa pa ako nang iyong sinabing, "Nagsisimensahe na ang mga dati kong niligawan sapagkat nakikita na nilang nagtatagumpay ako."

Hindi ko alam kung naramdaman mo ang aking kalungkutan nang bigla mo akong kinulong sa iyong mga bisig at ibinulong, "Ngunit siyempre, bakit kita ipagpapalit—ikaw na nariyan noong walang-wala ako?"

Natahimik ako. Iyon nga ba ang mga salitang gusto kong marinig? Marahil ay hindi. Marahil ay walang salitang makapagtatahi muli ng napunit na bahagi ng aking puso.

Bumalik ulit ang mga alaalang napagsamantalahan ang aking kabaitan at tiwala, ang mga alaalang sumira ng aking pananaw na may tunay na pagmamahal.

Mukhang babalik na naman ako sa unang hakbang.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now