Kasiyahan

39 6 0
                                    

Bawat pagkikita natin

tumatagal ang pahawak ng iyong kamay.

Iniisip ko kung sasabihin ko na bang minamahal kita.

Ngunit hindi pa ako sigurado.

Iniisip ko na kapag sinabi ko na ito,

wala ka nang hihintayin . . .

at baka iwan mo na ako.


Ngunit sa gitna ng alinlangan kong ito,

salamat sa pagsama sa akin,

sa paghawak ng aking kamay,

habang tinitingnan ang mga bituin sa langit

at pinakikinggan ang tunog ng mga alon.


Baka nga sapat na sa akin kung ano man ito.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz