Pagpapatawad

16 2 0
                                    

Patawad kung ang tanging sagot ko lamang sa "Mahal kita" ay isang halik sa noo.

Patawad kung ang tanong ko sa 'yo ay "Hindi ba ako isang aksaya sa iyong oras?" dahil iniisip kong kumalas.

Hindi tayo tugma ng ninanais na hinaharap kaya't humihingi na lamang ako ng tawad.

Hindi pa ako sumusuko dahil baka naman lumalim pa ang aking nararamdaman, ngunit sa ngayon, ako sana'y iyong patawarin dahil nais kitang makasama sa ngayon . . . ngunit hindi ko sigurado kung ito ba ang aking nais hanggang sa aking huling himlayan.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now