Pakiramdam

32 7 0
                                    

Isa't kalahating araw—iyon na yata ang pinakamatagal kitang nakasama.

Hindi ko malilimutan ang mga yakap mo, pati ang iyong pagpikit habang sinasabing, "Alam mo, bago sa 'kin lahat ito. Itong pinaparamdam mo—bago lahat."

At hindi ko alam kung ako'y matutuwa roon sapagkat, ibig sabihin, marami akong pagkakataong ipakita na ika'y kaibig-ibig. Ngunit sa kabilang banda, napagtanto kong ngayon mo pa lamang mararamdaman ang mga bagay na dapat ay normal sa magkasintahan . . . kahit hindi naman talaga tayo ganoon . . . yata.

Hindi ba't nakatatawa kung paanong ako ang nagsabing hindi ko nais muna ang makadena sa iisang tao, ngunit ako itong iyak nang iyak dahil nangungulila ako sa iyo?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now