Special Chapter 3

941K 22.3K 9.1K
                                    

Ken’s POV

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Siguradong sigurado ka na?”

“Gago.”

“Maraming iiyak.”

Binalibag ko ng unan si Josh. Kanina pa ako kinukulit nito. Siguro nga maraming iiyak. Kaya lang sigurado na talaga ako. Ayoko na.

“Naiinis na nga sa ‘yo si Daddy.”

“Bakit ka ba nandito? Lumayas ka nga lang sa harapan ko.”

Tatawa tawa siyang lumabas pero bago ‘yun ay tinapik niya pa ako sa balikat, “Kapag iniwan mo ang buhay na ‘yun, wala ng balikan. Dahil oras na pinili mong balikan ‘yun, ako na mismo ang haharang sa ‘yo.”

Nakakabanas ‘yang si Josh. Balak pa atang guluhin ‘yung desisyon ko. Kahit naman ano ang sabihin niya wala na siyang magagawa. Sobrang desidido na talaga ako. Ayoko na. Ayoko na talaga.

Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko.

Tulad kanina, may bigla na namang pumasok sa kwarto ko. Kanina si Josh. Ngayon ay si Ice.

“P’re, umiiyak ‘yung mommy mo sa baba,” kaswal na sabi niya at saka umupo sa kama.

“Sino sa kanila?”

“Pareho.”

“Masyado kasi nilang gusto si Ayu.”

Napatingin ako sa gawi ni Ice na tingin lang ng tingin sa paligid ng kwarto ko. Maya-maya lang ay tumayo siya at kinuha ang isa sa nakadisplay na picture frame sa side table ko. Litrato namin ‘yung apat. Siya, ako, si Josh at si Xander.

“Tagal na nito.”

“Grade six pa tayo. Ten years ago.”

Napailing siya at parang natatawa, “Hati pa buhok mo sa gitna. Baduy. Si Xander totoy na totoy pa. May nalalaman pang pogi sign. Si Josh naman sunog pa.”

Noong lumalaki dumaan din kaming tatlo sa kabaduyan. Akala ko noon cool at malinis tingnan kapag nakahati ang buhok mo. Si Xander naman kahit noon pa maloko at gwapong gwapo na sa sarili niya. Samantalang si Josh nangingitim kakabasketball niya.

“At ikaw, payat pa diyan.”

“Old times. Nakakamiss din ‘to.”

“Oo nga. Ang saya natin diyan.”

Ibinalik niya ang picture frame sa side table at saka ako nginisian, “Shut up, dude. Mas masaya ka ngayon.”

Para akong tanga at napangiti sa sinabi niya. Unti-unti hanggang sa tuluyan na ngang lumapad ang ngiti ko. Ako na nga siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

“Ken!” Napatingin kami sa biglang pumasok na si Xander at ang nagbabalik na naman na si Josh. “Ayos ha. Pormang porma.”

“Ako na naman nakita niyo.”

Lumapit si Xander at guguluhin sana ang buhok ko pero bago pa niya magawa ‘yun ay nakalayo na ako.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon