Prologue

3.6M 50.6K 13.1K
                                    

 Barkadahang hindi mahihigitan.

Samahang hindi malalagpasan.

Pagkakaibigan na hindi matatawaran.

Relasyong patuloy na pangangalagaan.

Pagmamahalan na sana ay walang katapusan.

Ano nga ba ang nangyayari sa isang kwento pagkatapos ng happily-ever-after?

May nakapagsabi na kapag natapos na ang isang storya, tapos na rin ang buhay ng mga bida. Pero sa kwentong ito, hindi dahilan ang pagkakasulat ng “The end” sa dulo ng istorya, para masabing tapos na nga ang kwento nila. Dahil ngayon pa lang maisusulat ang totoong pangyayari sa bawat buhay nila.

Happy ending na nga ba?

Masyado pang maaga para maideklara na happy ending nga ang kinalagyan nila. Ang tunay na buhay ay magsisimula palang paglabas nila ng eskwelahang pinagmulan ng lahat.

May darating.

May mawawala.

May magbabago.

May hindi mag-iiba.

Sa laro ng pag-ibig, ano nga ba ang dapat sundin? Ang utak na laging nagdidikta ng tama o mali? O ang puso na nagsasabi kung sasaya ka o hindi? Love will always be a battle-  battle between what you really feel and what you think you should feel.

Isang tanong na madaling sabihin, pero isa ring tanong na mahirap sagutin. Ikaw, ano ang iyong pipiliin?

Heart or Mind?

**

No softcopies. Trailer sa gilid. Made by MissyLily. Thank youuuu! <3

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon