Battle 70

879K 22.1K 5.4K
                                    

Zoe’s POV

“Uy, Zoe. May show bukas sa may gawing seaside. Mukhang maganda. Manunuod ka? ‘Di ba mahilig ka sa mga banda?” tanong sa akin ni Sachi.

“Manunuod ‘yan. Sa kanya napunta ‘yung biniling ticket ni Ayu e.” sagot ni Sab sa kanya.

“Swerte! Naubusan kasi ako ng ticket. Sayang nga e.”

Tapos na ang klase naming tatlo at dahil sa Friday daw ngayon, bawal daw magsi uwi ng maaga sabi lang nila Sab kaya niyaya niya akong manuod ng practice ni Josh. Nagkataon naman na may practice din ang mga cheer leader that time kaya nang mag break ay pinuntahan kami ni Sachi.

“May isa pang ticket kay Manager Ry sa pagkaka alam ko. Gusto mo?”

Mukhang patango na si Sachi pero bigla siyang inunahan ni Sab, “Pinaraffle niya kagabi ‘yung ticket. Wala na.”

“Sayang.” Sabi ni Sachi. “Pero hayaan ko na lang. Kulang din naman ang isang ticket para sa amin ni Jacob. Next time na lang kami siguro makakanuod. Sige, ha. Tapos na break namin e. Balik na ko dun.”

Tumango kami ni Sab at tuluyan nang tumakbo pabalik sa mga kasamahan niya si Sachi. Busy ako sa panunuod sa mga naglalaro ng basketball at ng mga nagsasayaw nang biglang magsalita si Sab, “Sorry, Zoe.”

“Huh? Para saan?”

“Set up kasi ‘yun.”

Napakunot noo na lang ako kasi hindi ko maintindihan ang gusto niyang palabasin. Set up ang alin?

“’Yung ticket.. sinadya namin ‘yun nila Ayu. Gusto kasi namin kayong magkalapit ulit ni Ice. Ilang linggo na kasi ang nakalipas tapos hindi pa rin kayo nagpapansinan. Ang akala namin, tatanggapin ni Ice ‘yung ticket pero hindi e. Naiparaffle na ni Manager Ry ‘yung ticket at may babae raw na nakakuha. Hanggang dulo umasa kami na magbabago ang isip ni Ice at sasamahan ka pero hindi niya ginawa.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Sab. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na rin ako nagulat sa sinabi niya. Medyo inexpect ko na rin kasi na hindi pa sila tapos gumawa ng move para maibalik ‘yung dating Ice at Zoe. Hindi na rin ako masyadong nasaktan na malaman na ayaw ni Ice. Masakit pa rin kahit konti pero hindi na ‘yung tulad ng dati. Siguro nakakasanayan ko na ‘yung sakit kaya baka unti unti na akong namamanhid.

“I’m really blessed to have a friend like you.” Napalingon siya sa akin at parang naguluhan.

“Hindi ka ba nagagalit?”

“Silly. Of course not. Bakit naman ako magagalit kung ang gusto niyo lang naman ay makitang maayos na kami ni Ice at masaya? It’s fine. Really.”

“Pero hindi kami nakakatulong, Zoe. Wala kaming magawa para magkabalikan kayo.”

“Alam mo ba, Sab, naisip ko nang isuko si Ice pero nung nag-usap kami ni Ate Cass last time, narealize ko na hindi ko rin pala kaya. Hindi na ako gagawa ng move para pilitin siya pero maghihintay na lang ako. Anong malay natin.. baka isang araw magising na lang siya tapos nalaman na niyang mahal niya pala ako. Wala kayong kasalanan kung hindi man kami magkabalikan. Hindi naman kayo ang nagdesisyon ng kahihinatnan namin. Kaya okay lang, Sab.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon