Battle 31

1M 24.4K 7.8K
                                    

Ken's POV

Damn it. Ken, control your feelings. Control your f*cking feelings.

Nang tawagin ni Zoe si Ayu, nakaramdam ako ng kaba. Para akong tanga. Gagawin gawin ko 'yun tapos kakabahan ako. Gusto kong layuan ako pero ako hihila pabalik. Kabobohan.

"Kainis. Lusaw na 'yung ice cream bago pa makarating dito. Bakit ba kasi ang tagal niyo?"

Hindi ko pinansin ang reklamo ni Zoe at sumandal na lang saka pumikit. Nilalamon na ako ng mga naiisip ko pero biglang tumunog ang phone ko.

Napatingin ako sa screen.

"Who's Krista?"

Halos maihagis ko ang phone ko ng biglaang magtanong si Sab. Tss. Kahit kailan hilig mangialam.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta sa may garden para sagutin ang tawag.

"Hello, Ken?"

"O?"

"Kailan ka raw pupunta dito? Gusto kang makausap nila Mama."

Hindi pa ako handa. Hindi ko pa sila kayang harapin. Pagkatpos ng nangyari, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nakita ko sila.

"Ken?"

Napapikit at napabuntong hininga ako saka sinagot ang tanong niya, "Not now, Krista."

"O..okay. Just let me know kapag handa ka na."

And the call ended. Papasok na sana ako pero ang mukha ni Yannie ang sumulpot sa harapan ko.

"Who the hell is Krista?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Masyadong personal. Hindi ko pa ata kayang sagutin.

"Ken. I'm asking you. Who is she?"

"None of your business."

"What the hell, Ken. So totoo nga? Totoong may ibang babae ka kaya ka nakipaghiwalay kay Ayu?"

Isipin na nila gusto nilang isipin. Naguguluhan ako at hindi ko kayang magpaliwanag sa kanila ngayon.

Tinalikuran ko siya at naupo. Nakakamiss ang upuan na 'to. Nakakamiss tumambay sa garden nila. Nakakamiss tumambay sa bahay nila.

Kung anu-ano na naman ang iniisip ko at hindi ko namalayan na umupo na pala si Yannie sa tapat ko.

"Sorry. I shouldn't judge you. I just can't help it. Ang hirap kasi wala kaming alam na rason kung bakit mo siya hiniwalayan."

"I told her I got tired."

"Ineexpect mo bang paniwalaan namin ang rason mo na 'yun. Ang talino mo, Ken. Kaya lang ang bobo mo mag-isip ng rason. We all know you're so much more than that. Umalis ka para patunayan ang sarili mo kay Ayu at sa pamilya niya kahit matagal mo ng nagawa 'yun tapos makikipaghiwalay ka kasi pagod ka? Sinong maniniwala dun?"

"Nagawa ko na nga ba? Napatunayan ko na nga ba?"

"Oo, Ken! Oo! Tito Eric won't hand Ayu over you kung hindi mo pa napatunayan ang sarili mo sa kanya. You're Ken Yu for crying out loud! Almost.. perfect."

Ken Yu. Almost perfect. Napangisi ako sa narinig kay Yannie. I'm far for being perfect. "I'm not who you think I am. I don't even know myself. Paano ko napatunayan ang sarili ko sa kanila kung hindi ko magawang patunayan ang sarili ko sa akin mismo?"

"Alam mo, ang labo mo. Alam naming lahat na may problema ka pero ayaw mo namang sabihin. Namimili ka ng sasabihan. Kaibigan mo rin naman kami pero hindi ka nagtitiwala sa amin. Pero okay lang na hindi mo sabihin sa amin e. Pero kay Ayu? I don't know, Ken."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon