Battle 11

1.3M 26.3K 10K
                                    

Zoe's POV

Another month? Sa halip na pauwi na siya, madadagdagan pa ng isang buwan?

Please don’t be mad, Zoe. Sana maintindihan mo. I love you.

Napaupo ako sa kama ko habang binabasa ang second text niya. One month. Gaano kahaba ang isang buwan? Hindi naman siguro ako dapat magoverreact sa additional one month niya, di ba? Oo, nakakainis kasi mas matagal na hindi ko siya makikita kaya lang kasama naman niya ang pamilya niya. Kung si Ken at Ayu nga mas matagal hindi magkikita, ano ba naman ang isang buwan lang para sa amin ni Ice?

“Zoe?”

Nilingon ko si Yannie na nakadungaw sa pinto ko. “Totoo ba? May sinabi kasi sa akin si Manager.”

“Oo. Extended ng one month ang dapat one week lang.”

Pumasok siya at umupo sa kama ko, “Okay lang sa’yo?”

“Syempre nakakainis kasi mamimiss ko siya. Pero okay lang. One month lang naman.”

Tumango siya at saka yumuko lang. Teka. May naalala akong dapat itanong sa kanya.

“Nga pala, Yannie. Kagabi sa No Name anong nangyari sa’yo?”

“Ha? Wala naman. Bakit?”

“Alam kong meron. You’re acting weird.”

“Hindi naman. Baka medyo nalasing lang ako kaya ganun.”

Okay. Fine. Ayaw niyang magsalita. Hindi ko muna siya pipilitin. In time, malalaman ko rin kung anong nangyayari sa kanya.

“Uuwi ka ba sa inyo ngayong bakasyon?”

Umiling ako at humiga ulit, “Wala naman sila Daddy dun kaya wala rin akong kasama. Dito na lang ako. Ikaw?”

“Uuwi. One week lang ako dun. Marami pang inaayos dito eh. At para may kasama ka na rin. Hindi pa ba umuuwi parents mo?”

“Hindi pa. Siguro dalawang buwan pa sila bago umuwi.”

Patayo na sana ako para maligo ng biglang bumukas ang pinto ko at isinuka si Sab. “Totoo?! Mas matagal pa dun si Ice?”

“Yup!”

“Hala, Zoe. Bakit daw?”

“Hindi ko pa nakakausap.”

“Kung one month pa siya dun, paano na ‘yung pagkuha niyo ng pictures dun sa Theater Arts?”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon