Battle 30

1M 24K 8.7K
                                    

Ayu's POV

Kiss. Don't. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga salitang 'yan. Nakakabaliw. Just when I'm about to give up, he made me hold onto him again. Wala e. Isang salita lang nawala na naman lahat ng galit at inis ko. Isang salita lang nagawa na naman niya akong pahakbangin papalapit sa kanya. Nakakaloko. Sa tuwing hahakbang ako ng isang beses palayo sa kanya, hihilahin niya ako dalawang hakbang pabalik. Walang kawala.

"Sino raw 'yung kasama nila kanina? Sino 'yung dalawang babaeng umeeksena sa love story ng dalawang kaibigan ko?" Inis na tanong ni Yannie.

Pinuntahan nila agad ako sa kwarto para magpakwento ng malaman nila kay Sab na nagkita-kita kami nila Ken at Josh kanina.

"Bakit dalawa?! Hindi ako kasama dito. Walang umeeksena sa love story ko kasi wala ako nun." Sabat ni Sab.

"Shut up! Walang humihingi ng opinyon mo dito. Magwawalk out walk out ka at gagawa ka ng eksenang pangdrama tapos walang love story?"

"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala namang tayo. Walang tayo." Fail na panggagaya ni Zoe kay Sab. Todo drama pa siya.

"Hindi naman ganyan ang sinabi ko."

"Ganun na rin 'yun. So ano nga? Nung sinabi ni Sab 'yun, nabwisit si Josh tapos nagmura?"

"Nagmura siya?"

Tinusok tusok ni Zoe si Sab sa tagiliran, "Uyy. Curious. Affected pa. Oo. Nagmura raw sabi ni Ayu. Drama kasi girl."

"E sa inyo ni Ken? Anong nangyari pagkatapos?" Nalipat ang atensyon ko kay Yannie ng tanungin niya 'yan.

Kinagat ko ang labi ko na naging dahilan ng pagtili nilang tatlo. "Nagkiss kayo?!" Sabay sabay na sigaw nila.

Pakiramdam ko nagblablush na ako kapag naaalala ko yun. He kissed me. He did.

"Well... uhh. Kasi.. I was mad. I was mad at him. Sinisigawan ko na siya tapos sabi ko sa kanya napapagod na ako. Susukuan ko na siya. Then pagsabi ko nun.. that.. that happened. Tapos sabi niya don't. Parang don't give up on me."

Nagtititili si Sab at Zoe habang nakakunot naman ang noo ni Yannie. Hindi lang siguro ako ang nakapansin sa naging rekasyon ni Yannie kaya napahinto sa pagtili ang dalawa at tinanong kay Yannie kung anong problema.

"Ramdam ko na mahal ka pa ni Ken. Kaya lang..." Ayan ang nakakatakot marinig. Ang kaya lang. "He's too complicated. I don't get him. Nakipaghiwalay siya sa'yo tapos nag-iba siya ng persona. It's like he wanted you to give up, but when you're about to do that, he told you not to."

"Boys are complicated." Dagdag pa ni Sab.

"Oo nga, ano?" Reaksyon ni Zoe at kinuha ang phone niya at parang nag-dial.

"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kaya lang sa halip na sagutin ay itinapat na niya ang phone sa tenga.

"Hello? ... Hoy, Ken!" What the?! Si Ken ang tinawagan? "Bakit ang gulo mo? Ano bang -- "

Bago pa man may masabing kung ano si Zoe, inagaw ko na ang phone nya at inend ang call.

"Nakakahiya." Napaisip siya at hiningi ang phone niya ng marealize na ayokong patawagan si Ken. "Tatawagan mo pa?"

"Hindi na. Promise."

I gave her her phone. Nagdial siya ulit and this time si Ice na raw ang tinatawagan niya, "May ginagawa ka? ... Nasaan ka ngayon? ... Punta ka dito. ... Okay. Ingat pagdrive."

Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya kay Ice at babalik na sana sa pagbabasa ng libro, na ginagawa ko na talaga bago pa man nila ako pasukin sa kwarto, nang biglang hilahin ni Yannie ang libro.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon