Battle 64

744K 19.1K 4K
                                    

A super short update. :)

Zoe’s POV

“W.. what do you mean, Ate Cass? H.. he already left three hours ago.”

Biglang napatingin sa akin si Ate Cass at Ashley. Mukhang naguguluhan sa sinabi ko. Maski ako naguguluhan sa nangyari. Bigla akong kinabahan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.  Ayaw ko mang mag-isip ng hindi maganda, kusa pa rin pumapasok ang mga ideyang ‘yun sa utak ko.

Umusad si Ash at umupo ako sa tabi niya. Agad kong ininom ‘yung tubig na nasa table kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila. Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso ko na parang kinakapos na ako ng hininga. Sobrang kaba.

“Anong sinabi mo, Zoe?” pagpapa-ulit ni Ate Cass.

“He left three hours ago, Ate Cass. Wala ba talaga siya dito?”

“He’s not yet here, Zoe. Kaya nga nagplano na kami ni Ash kahit wala pa siya. Saan naman kaya nag punta ‘yung lalaking ‘yun?”

“Let’s call him para malaman natin kung nasaan na siya.” Suggestion ni Ash na inilingan ko lang.

“Low batt na siya, Ash. There’s no use in calling him.”

Napatahimik kaming tatlo. Hindi man nila sabihin, alam ko at ramdam ko na pareparehas kaming nag-aalala ngayon.  Ang daming pumapasok na posibleng pangyayari sa utak ko. Pwedeng nasiraan siya kaya hanggang ngayon ay wala pa kasi inaayos niya pa ang sasakyan niya. Pwedeng may pinuntahan siyang iba na mukhang hindi naman niya gagawin kasi alam niyang hinihintay siya ng mga kapatid niya at susunduin niya pa dapat ako. At pwede rin namang… hindi. Hindi ‘yun pwede. Sana nasiraan lang o kaya may pinuntahan.

“Aba. Himala ba ‘to? Ang tahimik niyo namang tatlo?” tanong ni Manager Ry pagdating niya at umupo sa tabi ni Ate Cass.

Narinig ko at alam kong narinig nila sa Manager Ry pero wala ni isa sa amin ang sumagot.

“May problema ba?” tanong niya.

“Wala pa si Ice.” Mahinang sagot ni Ate Cass.

“Baka parating na. Hintayin niyo na lang.”

“Kanina pa siya papunta dito.”

“Baka na-traffic lang.”

“Three hours ago pa, Ry.”

Natahimik si Manager Ry at nag-iba rin ang reaksyon ng mukha niya. “Sandali. Tatawagan ko sila Josh baka kasama nila.” He started calling.. “Hello, Josh? Kasama mo ba si Ice? … Ah, wala. Sige, bye.”

“Wala raw siya dun. Si Xander pa.”

“Hello, Xander? …  Nandiyan ba si Ice? … Si Ken lang? … Wala. Sige. Bye.”

Hindi niya kasama kahit sino sa mga boys. Nasaan ka na Ice? As if on cue, biglang nag-ring ang phone ko. Nagulat ako at umaasang si Ice ang tumatawag. At hindi nga ako nagkamali. Agad akong napangiti ng makita ang nasa screen ng phone ko.

Ice calling..

“Ice!” sigaw ko sa kanya pagsagot niya ng phone niya at naramdaman ko naman ang pagtingin sa akin nung tatlo.

“Hi, Ms. Zoe.”

“Wait. You’re not Ice? Sino ‘to?”

“We called to let you know that the owner of this number was caught in a car accident. He is -- ”

 

Parang nagblangko ang utak at pandinig ko. Hindi na gumana ng marinig ko ang salitang “accident”. Lalo bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas na siya sa dibdib ko any moment from now. Parang iniipit din ang tiyan ko. Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko at ng kamay na humila sa phone ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko sa table. Si Manager Ry na ngayon ay nakikipag-usap sa phone, si Ate Cass na bakas sa mukha ang sobrang kaba habang nakatingin kay Manager Ry at si Ash na nakahawak sa akin habang umiiyak na rin.

Hindi ko na alam ang nangyayari pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo habang nakaalalay sa akin si Ash at sumusunod kami kila Manager Ry palabas ng No Name. Anong nangyayari?

***

“Zoe, o.”

Inabutan ako ni Yannie ng tubig. Tiningnan ko lang ‘yun kaya napabuntong hininga siya at binuksan na ang bote ng tubig para sa akin. “Drink, Zoe.”

Umiling ako at napayuko. Hinawakan ni Yannie ang kamay ko at inilagay ang bote ng tubig, “Inumin mo ‘yan, Zoe. Nag-aalala na kami sa ‘yo. Huwag ka ng makulit, please. Ang putla putla mo.” So I did.

Nang makarating kami sa ospital, saka lang nag sink-in  sa akin ang mga nangyari. Naaksidente si Ice.

“Warak ang kotse. Malakas ang impact.” Dinig kong sabi ni Ken sa iba. “Pero hindi naman sa side ni Ice ang pinakatama.”

Nang makarating kami dito, isa isa na rin nagsulputan ang barkada at ang magulang ni Ice. Pinaalam na ni Manager Ry sa kanila ang nangyari dahil na rin sa hindi kami makakilos ng maayos nila Ash.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Then, someone holds my hand.

“He is going to be fine, hija. He’s strong. He’s our Ice, remember?” nakangiting sabi ng mama ni Ice pero namumula rin ang mata niya.

Tinanguan ko siya pero hindi pa rin maialis sa akin ang kabahan. Niyakap ako ni tita at tinapik tapik kaya mas lalo akong napaiyak, “Be strong, Zoe. Tahan na. We know Ice. Hindi naman papataob ‘yan sa isang car accident lang. Kaya huwag ka ng umiyak. Paggising niya hindi niya gugustuhing makitang maga ‘yang mata mo. Baka pagalitan pa kami nun kasi hindi ka namin pinatahan.”

Nang dahil sa sinabi ng mama ni Ice ay pakiramdam ko mas lumakas ako. Tama siya. Malakas si Ice. At ayaw niyang makitang nagpapakamiserable ako. Baka madamay pa ang iba kakaiyak ko.  Hindi dapat ako maging mahina ngayon. Naniniwala ako na mabilis gagaling si Ice.

“Sino dito ang pamilya ng pasyente?”

Napatayo agad kami ni tita at lahat kami ay lumapit sa doktor. Mukhang naguluhan ang doktor dahil labing dalawang katao ang lumapit at pumalibot sa kanya.

“Ako po ang mama niya, doc. Kamusta na ang anak ko?” tanong ni tita.

“Stable na ang lagay niya at babantayan na lang kung kailan siya magigising.”

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ng doktor. Inakbayan ako ni Xander at ngumiti na ginantihan ko naman ng ngiti rin. Masaya na rin ako dahil kahit papaano ay ayos na si Ice. At ayun ang mahalaga.

***

Next update: Next week. HINDI KO ALAM KUNG ANONG ARAW. :)

Last 9 chapters na lang tapos end na ng Teen Clash 2. Pero may Teen Clash 3 KAYA LANG HINDI SILA ICE ANG BIDA. K. Thanks! Hahaha.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon