Battle 14

1.2M 25.1K 16.3K
                                    

To make everything clear, si Tom ay ex ni Yannie. YANNIE. Nabanggit din siya sa Book 1 ng Teen Clash pero wala siyang eksena dun. Marami kasing nalilito. Thank you and enjoy reading. :)

Xander's POV

"Uhh. Hi. Long time no see."

Gago. Papalabasin na patay siya tapos maglolong time no see lang? Aba, napakacasual. Parang nagpaalam lang bumili sa kanto tapos okay na. Siraulo rin tong lalaking 'to.

"Gago ka?" Mukhang nagulat si Tom sa sinabi ni Sab. "Long time no see mo mukha mo. Ano ka ba? Kakambal ni Tom? Ay wait. Walang kakambal yun. So, ikaw ba si Tom? Ay teka lang ulit. Patay na yun e. Multo ka ba?"

Bakas sa tono ni Sab ang pagkainis. Malamang naiinis siya para sa kaibigan niya.

"Sab, alam kong galit kayo kasi -- "

"Ako, galit? Ha. Nagpanggap ka lang naman na patay ka na, na naging dahilan para iyakan ka ng bongga ng kaibigan ko. Medyo pinaglaruan mo lang naman ang damdamin niya at pinaniwala kami sa bagay na hindi pala totoo. Tingin mo ba sapat na dahilan na yun para magalit ako sayo?"

"Hindi ko rin ginustong -- "

"Save your explanation, Tom." Pagpuputol ni Yannie sa sasabihin ni Tom.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Namuo na naman ang kaba na nawala na noon. Hinawakan ko ang kamay ni Yannie.

"I just don't care anymore. You were part of my past, yes. Pero hindi ka na kasama sa kasalukuyan ko. Lalong lalo na sa kinabukasan ko. Whatever your reason for pretending you're dead, wala na kaming pakialam. So if you'll excuse us, uuwi na kami."

Hinila na ako ni Yannie pero napahinto siya ng magsalita si Tom, "Sorry, Yannie. But I miss you. I really really miss you."

Humarap siya rito at ngumiti, "Have a wonderful life."

"I want you back." Napadiin ang hawak ko sa kamay ni Yannie ng marinig ang sinabi ni Tom.

Bwisit. Hindi ba niya nakikita ang kamay namin na magkahawak? Tanga ba tong lalaking to o nagtatangatangahan? Naiwan ata ang utak six feet below the ground.

"You want her back?" Sab faked a laugh, "E t*ngina ka pala. Iiwan iwan mo ng walang dahilan tapos bigla mong babakilan kasi you want her back. Ay siraulo 'to."

Magsasalita pa sana si Sab ng hawakan at pigilan siya ni Josh.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon