Special Chapter 6

380K 11.3K 3.3K
                                    


"No. What's your problem, Xander?!"

Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Yannie. Araw-araw, gustong gusto kong naririnig ang boses niya. Music to my ears kumbaga. Kaya lang hindi kasali sa mga araw na 'yon ang araw ngayon.

"Yannie, please. Not now." Pumikit ako at sumandal sa sofa. Kakauwi ko lang galing ng trabaho at sobra ang pagod ko kaya wala ako sa mood makipagtalo.

"Fine."

Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon niya. Narinig ko na lang ang pagdadabog niya sa kusina. Kung ibagsak niya ang kaldero parang ang gaan gaan lang no'n.


Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, sanay akong sinasalubong ako ng malambing kong asawa habang karga ang anak namin na si Zane. Sobra ang pagod ko ngayong araw kaya gustong gusto kong makauwi agad para salubungin ng mag-ina ko kaya lang sa halip na yakap at halik, masungit na Yannie ang inabutan ko. Natutulog pa si Zane kaya hindi ko naman maistorbo.

Noong una ay hindi lang talaga niya ako pinapansin pero nang sabihan niya akong kumain na at nang makaupo na ako sa hapag kainan para hintayin siya, bigla na lang siyang nagpunta sa sala.

Nang tawagin ko siya, sinabi lang niya na nauna na siyang kumain. Saka ko lang napansin na isa nga lang ang nakahandang pinggan sa lamesa. Doon ko na naramdaman na may mali.

Quarter to 8 pm pa lang. Palagi niya akong sinasabayan kumain kahit na sobrang late na ako makauwi. Pero hinayaan ko na lang kasi baka gutom lang talaga siya. Mas ayos na na hindi kami magkasabay basta busog siya.

Kaya lang hindi pala.

Nagsimula siyang magsungit. Nagpapahinga lang ako sandali pero padabog na siyang nag-urong.

Nang sabihin ko na dahan dahan lang sa pag-urong dahil medyo masakit sa ulo ang ingay ay hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya na parang walang naririnig.

Baka nga hindi lang niya narinig. Kaya medyo nilakasan ko ang boses ko at sinabing huwag siyang maingay. Pero tulad kanina, wala namang nangyari. Ganoon pa rin ang ginagawa niya.

"Yannie, huwag kang maingay. Dahan dahan lang sa pag-uurong. Medyo masakit sa tenga at isa pa ay natutulog si Zane. Baka umiyak at magising," sigaw ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako at inirapan.

"Ako ang nag-uurong kaya huwag kang magreklamo. Kung gusto mo ng tahimik, huwag ka dito."

Para hindi lumaki ang usapan ay hindi na lang ako sumagot. Kaya lang hindi pa rin siya tumigil. Kung anu-ano pa rin ang sinasabi niya at medyo maingay pa rin siya.

Sa totoo lang ilang araw na siyang ganito. Hinahayaan ko na lang pero dahil pagod ako, parang lumipad at humiwalay sa akin ang pasensya ko.

"Yannie, what's wrong with you? Stop creating noise."

"As far as I remember, this is our house. Hindi 'to library."

"Yannie, ano bang problema mo?"


At ayon na nga ang simula nang pag-aaway namin.

Ngayon ay nag-iingay pa rin siya. Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse pati na rin ang wallet at phone ko saka lumabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?!" But I didn't answer.


Madalas kaming magtalo ni Yannie pero sobrang babaw lang lagi nang pinag-aawayan namin. Normal 'yon sa mag-asawa. Hindi naman natatapos ang araw ng hindi kami nagbabati. Kaya lang ito ang unang beses na iniwan ko siya sa bahay.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon